Nangingiti na tinanaw ni Jino ang pintuan na pinasukan ng babaeng lobo. Alam niya na pinipigilan lamang nito pigilan ang sarili na magustuhan siya. Sigurado siya dun. Hindi naman ito tutugon sa mga halik niya sa pangalawang pagkakataon kung hindi nito gusto..na hindi siya nito gusto,hindi ba? Napangisi siya. Hindi siya natatakot sa banta nito. Mas lalo lamang pinaaalab nito ang nararamdaman niya para rito. May ngiti sa mga labi na nilisan niya ang tirahan ng dalaga. Ang bahay na hindi basta-basta mapapasok ng tulad niyang bampira. Kamatayan nila ang isang bagay na gawa sa pilak at iyun ang makikita sa kabuoan ng bahay nito. Nakakamangha. Pero sa isang hibang na tulad niya wala makakahadlang na kahit ano sa kanya makalapit at makita lang niya ang may-ari ng bahay iyun. Kabaliwan. Bina

