Nahigit niya ang paghinga ng balutin siya ng malamig na pakiramdam mula sa bampira na nasa likuran niya. Kinulong siya nito sa mala-bakal nitong mga braso. "Kamusta,ang magandang lobo na si Xania..?" usal nito sa tapat ng kanyang tainga. Mariin niyang naipikit ang mga mata at pilit na pinakalma ang bigla na naman pagwawala ng kanyang sistema at..puso. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at kumawala sa pagkakakulong sa bisig nito. Hinarap niya ito ng wala kahit anong emosyon na makikita sa kanyang mukha. "Nandito ka ba para sabihin sakin kung saan ko makikita ang Alarcon na iyun?" deretsahan niyang saad. Ngumiti ito sa kanya. "Sa ngayon inaalam ko pa kung saan siya naglalagi ngayon.." "Kung ganun,magpakita ka lang sakin kung may maganda ka ng balita tungkol sa kanya," matiim niyang saa

