"Nakakasiguro ka ba na mapagkakatiwalaan mo ang prinsipeng iyun?" paniniguro ni Camelia sa kanya nang bisitahin niya ito sa munting kubo nito. Bumuntong-hininga siya. Mapasahanggang ngayon hindi mawaglit sa isip niya ang mainit na eksena nila ng bampira iyun. Isa siyang baliw na lobo na pinatulan niya ang bampira iyun. "Matitiyak ko kung magkakaharap kami ng Alarcon iyun.." matiim niya tugon rito. "Kaibigan din siya ni Marko..kahit buhay niya itinaya niya para lamang pagkatiwalaan ko sila.." dagdag niya. Hindi umimik ang kaibigan bagkus inabala nito ang sarili sa isang malaking libro na hindi niya alam kung saan nito nakukuha. "Gumagawa ka ba ng bagong potion ngayon?" usisa niya pagkaraan ng ilang sandali. Bumaling ito sa kanya. Nagkibit ito ng balikat. "Marami na kong nabasang lib

