"Anong ibig mong sabihin na hindi mo na mahagilap ang ibang nasa society?" malagom at mapanganib na bulalas ni Haring Cordova sa kanya kanang-kamay na si Alarcon. "Tatlo sila umalis sa binuo niyong society,Haring Cordova.." Isang society na binuo ng Hari na bumubuo ng mga bampira na may malalakas at makapangyarihan pangkat sa kanilang lahi. Ang Royal Society na siyang nagpapatakbo at nagpapanatili sa pagkakaluklok ni Haring Cordova. "Tatlo? Paano at sa anong dahilan nila ginawa yun ang bigla pagkawala nila?!" hindi makapaniwalang turan ng hari. "May palagay ako na maaari may gusto magpabagsak sa inyo,mahal na Hari.." hinuha ni Alarcon na siyabg nagpagalit sa Hari. Malakas na bumaon ang kamao ng Hari nang suntukin nito ang malapit na pader sa loob ng pribadong silid na pag-aaari din n

