May kakaiba sa inyo,mahal na prinsipe?!" puna sa kanya ng kanya matapat na alalay. Batid niya mapupuna siya nito dahiL mula ng bumalik siya sa palasyo nila hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya at maganda ang aura niya. Kinibitan niya ito ng balikat. "Si ama?"pagtatanong niya rito. " Umalis siya,ang dinig ko makikipagkita siya kay Alarcon.." Agad siya natigilan. Si Alarcon. Ang tangi hangad ng babaeng lobong iyun na si Xania ay si Alarcon. Kailangan niyang makuha ang tiwala ni Xania para sa binubuo niyang alyansa. May mainit man na namagitan sa kanila alam niyang hindi pa lubos ang tiwala nito sa kanya. Pero kailangan niya muna pag-isipan ng mabuti ang magiging hakbang niya. Itinuring niyang pangalawa ama si Alarcon at nagtatalo ang kalooban niya kung tama bang ipagkanulo niya

