Mabilis at listo na inihagis niya ang silver na kutsilyo niya ng maramdaman ang isang presensya na basta na lang nakapasok sa kusina niya. Listo din naman iyun nailagan ng intruder niya at bumaon iyun sa dingding na gawa sa kahoy. "Anong ginagawa mo dito?"angil niya sa kanyang intruder. Inalis nito ang pagkakataklob ng hood ng kapa nito sa ulo. Sumilay ang napakagwapo mukha ng prinsipe ng mga bampira. Ngumiti ito na nagpangilabot sa buo niyang kalamnan. Heto na naman at binabagabag na naman nito ang buo niyang sistema. Damn it,ito naman ang pamilyar na sensasyon na ito lamang ang nakakagawa nun sa kanya. " Gusto ko lamang kamustahin ka,binibining Xania.."he said. Lihim niya kinalma ang sarili at pinatili ang seryosong anyo sa mga mata nito. "Hindi ang pangangamusta mo ang gusto ko

