"Imposible! Paanong nangyari na nakatakas ang mga alipin?!" galit na galit na bulyaw ni Alarcon sa mga kawal ng sabihin ng mga ito na wala na kahit isa na nadatnan sa kinaroroonan ng mga alipin sa isang piitan ar kahit ang mga bantay na nakatalaga roon ay wala ni isa nakita. "May isang bagay kami nakita..at sa palagay ko mula ito sa kung sinuman ang nagpatakas sa mga alipin," untag ng isang kawal ng Hari. Inilahad nito ang palad at isang kulay itim na papel iyun. Kalayaan para sa lahat-BA Sumingasing sa galit si Alarcon ng malaman na ang mga rebelde iyun ang nagpatakas sa mga alipin at umubos sa bantay roon. "Kayong lahat! Alertuhin ang lahat magkakaroon ng malaking labanan sa pagitan ng rebelde at ng ating hukbo!" Hindi niya hahayaan na ang mga ito ang siyang hahadlang sa inaasam ni

