JAS Kinabukasan, inaya ako ni Ron-Ron na magpuntang The Camp dahil walang pasok. Gusto niya raw akong dalhin doon para ilibre. Lalo raw kasi akong nangayayat. Alam ko namang gusto niya lang din pagaanin ang loob ko dahil na rin sa nangyari pero hindi na lang ako nagkomento. Ayoko namang i-spoil ang date namin. "Naalala mo noong una tayong kumain dito?" tanong niya sa 'kin. Napangiti na lang ako. "Tama ka." Napasimangot ako. "Kaso nga lang hindi tayong dalawa 'yung nagde-date." Inakbayan niya ako at tumingin sa mga mata ko. Doon ko lang napansin na sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko namalayang katabi ko na siya. Parang kanina lang nasa harap ko siya. "Pero ngayon tayong dalawa lang ang magde-date, ayos ba 'yon?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Bumalik siya sa inuupuan

