Jas Suarez Huminga ako nang malalim bago sinenyasan ang mga katiwala na buksan ang pinto. Agad na bumungad sa 'kin ang nakasisilaw na flash ng mga camera nila. Naglakad ako palapit sa gintong upuan na dinisenyo para sa mga ganitong pagtitipon. Sa harap ko ay ang mga camerman na panay ang kuha sa 'kin ng litrato. May lamesa sa pagitan namin kaya hindi agad sila nakalapit sa pwesto ko at may ilang kawal din ang nasa magkabilang dulo. May dalawang kawal din sa likuran ko na nakatayo. Si Pimp naman ay nasa bandang kanan ko. Siya na ang tumayong kanang-kamay ko kahit na isa pa lamang akong prinsesa. "Simulan ninyo na," sabi ko kay Pimp. "Maaari na kayong magtanong sa Mahal na Prinsesa." Sabay-sabay naman silang nagsalita kaya wala akong naintindihan ni isa. Pinatahimik lang sila bago nags

