Jas Suarez Inaasahan ko na dadagsain ang kaharian dahil sa nangyari kahapon sa engagement party namin ni Eiji. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-guilty lalo na at kararating lang ni ina galing sa hospital. Mamaya na ulit ang pag-alis niya para ipagpatuloy ang pagpapagamot pero binigyan ko pa siya ng ikai-stress niya. "Huwag ka mag-alala, tatahimik din ang media. Kailangan lang nila ng oras," ani Kimmey. Magka-video call kaming dalawa dahil na rin sa nag-aalala siya para sa 'kin. Hindi ko naman maiwasang hindi mangilid ang luha dahil sa kanila ni Gelo. Napaka-supportive talaga ng dalawang ito! "Pero kailangan kong magpaliwanag sa publiko dahil sa ginawa ko," sabi ko. "Who cares about the public? Screw them!" Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi niya. Kung ako pa ang d

