Jas Suarez "Isa lang naman ang nais namin. Bumaba ka sa iyong posisyon at isuko sa amin ang trono," ani Papa. Napapailing pa rin ako sa kinatatayuan ko dahil sa natuklasan. Nakasuot na siya ng pandigma na galing sa bansang Nearon. Mahabang itim na roba iyon na may itim na tali sa beywang. May itim na tali rin sa kanilang ulo. May kaniya-kaniya silang espada sa tagiliran na hawak nila, tila handang sumugod anumang oras. "Papa, hindi ko gustong makalaban ka o kahit sino sa Nearon," sabi ko. Nanatiling seryoso ang tingin niya, para bang walang epekto na tinawag ko siyang papa. "Ang lahat ay nakaplano na. Sa oras na bumaba ka sa trono ay matatapos na lahat," aniya. "At kung hindi mo naman iyon gagawin, wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang patayin ka." Para bang sinaksak ng mily

