JAS SUAREZ Naging maayos ang takbo ng lahat sa 'min. Lagi na rin akong dumadalaw sa clinic na pinagawa ko na ngayon ay hospital na. Medyo matagal na rin ang hospital na 'to at lalo pang dumarami ang mga nagtatrabaho rito. Madalas na rin kami magkasama ni Eiji. Kailan lang simula noong umamin sa 'kin si Eiji tungkol sa totoong nararamdaman niya. Paglabas namin sa tambayan ay nagderetso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ang dami na rin kasing nangyari sa araw na 'to. "Jas..." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang biglang hinawakan ni Eiji ang kamay ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako sa kanya. "Sige ba, saan ba tayo?" "Sundan mo na lang ako." Wala na ring nakasunod sa amin dahil okay na naman kami sa garden ng palasyo. Malawak i

