JAS SUAREZ Ngayon na ang kaarawan ko kaya naman naghahanda na ako. Inuna ang make up kaysa ang susuotin ko dahil baka daw madumihan. "Handa na po ang iyong isusuot, Mahal na Prinsesa," sabi nila kaya naman sinuot ko na iyon. Medyo nahirapan akong isuot iyon. Ngayon lang ako nakapagsuot ng malaking gown dahil noong birthday kasi ni Eiji ay bagsak lang ang gown ko, pero ngayon ay parang lobo iyon dahil sa laki. Fit siya sa pang-itaas tapos biglang lobo. May bakal sa loob ang gown pero hindi naman ganoon kabigat. Kulay light blue iyon. Tube lang siya pero may strap naman kaya hindi mahuhulog. Ang sapatos ko naman ay kulay asul na makinang, mataas din ang heels pero carry ko naman. Sa tagal ko kasing nandito sa palasyo, ang dami na nilang tinuro sa 'kin. Kung paano maglakad nang tuwid, pa

