"Malapit na ang Coronation Day ng prinsesa. Kailangan na nating maghanda," sabi ko. Matagal-tagal na rin simula nang makita ang prinsesa. Malaki rin ang naitulong niya sa ibang tao tulad na lang ng mga ampunan. Matagal na raw niyang gustong tumulong sa ganoon. Nagpatayo pa siya ng isang clinic na siya mismo ang maggagamot, napag-isip-isip niya raw na gusto niyang maging doctor paglaki niya. Pero sa lagay niya ngayon ay kailangan niyang gampanan ang pagiging prinsesa niya. Sa tingin ko naman ay pwede siyang maging doctor kahit na prinsesa siya. Iyon nga lang ay madadagdagan ang responsibilidad niya sa lipunan. Hindi ko inaasahang ganito kabait ang prinsesa ngayon. Oo nga at mababait ang mga naging reyna noon pero hindi ko inaasahan na magiging ganito siya. Nagpapasalamat pa rin ako sa t

