JAS SUAREZ Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako lumalabas at hindi na rin ako gaanong nakakakain ng hapunan o tanghalian. Kanina pa ako kinakatok ni Mama at Justine pero hindi ako bumabangon. Wala pa rin kasi akong gana kumain ngayon. "Anak, kumain ka na. Kahit konti lang, baka magkasakit ka kasi," sabi ni mama. "Hindi ako nagugutom, Mama. Bababa na lang ako kapag nagutom ako." Kanina pa nila ako inaaya pero kahit ano 'ng gawin nila ay wala pa rin. Hindi na rin naman ako umiiyak dahil baka naubos na sa kaiiyak ko noong isang araw. Nakakapagod naman kasi ang umiyak nang umiyak. "Jas..." Nakita ko si Justine na pumasok sa kwarto ko. Hindi na naman ako nagsalita nang tinawag niya ako at nahiga lang. "Jas, 'di ba magpinsan naman tayo? Para nga tayong magkapatid noon, 'd

