JAS SUAREZ Ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko. Pagod na ako sa kaiiyak nitong mga nakaraang araw kaya naman titigil na ako. Wala na namang mangyayari kung iiyak lang ako nang iiyak dahil ako lang din naman ang mapapagod sa huli. Sa bahay naman, hindi ko sila masyadong pinapansin at nagpapalamig pa rin ako ng ulo. Hindi na naman sila nangulit dahil siguro inaasahan na nila na gagawin ko ito. Hindi dahil gusto nila akong mawala kung hindi dahil gusto rin nila na makapag-isip ako. Medyo humuhupa na rin ang galit ko sa kanila dahil kahit papaano ay magulang ko pa rin sila. Papunta ako sa rooftop ngayon para magtapat kay Eiji. Gusto kong malaman niya na ang lahat hindi dahil nahihibang na ako pero dahil may hinuha na ako. Kung ako man ang prinsesa, tatanggapin ko. Kung hindi naman,

