Chapter 6

1946 Words
PAGKALABAS ni Mario sa opisina ng boss niya ay mabilis siyang naupo sa working chair niya, sa harap ng table niya. Hindi talaga niya maipaliwanag ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Humugot muna siya ng hangin at humigop ng kape. Pakiramdam niya talaga ay lalabas ang puso niya sa kinalalagyan noon. Matapos maramdaman ang hagod ng init ng kape, ay kahit papaano ay kumalma ang puso niya. Sunod niyang tinikman ang ginawa niyang sandwich. Ewan ba niya. Sarap na sarap siya sa loaf bread na may palaman na kung anu-ano. Depende sa mayroon, at nakikita niya, o minsan sa naiisip niya. Tulad na lang sa mga sandaling iyon, napakasarap ng loaf bread na may palamang saging. "Hay, heaven talaga," bulalas pa niya ng sumagi na sa dila niya ang tinapay na kinagat niya. Hindi mapigilan ni Mario ang mapangiti sa lasa ng kinakain niya. "Ang sarap-sarap," bulalas pa niya. Tumatango-tango pa siya habang sinisimulan ng maganda ang trabaho niya. Maganda ang mood niya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Kung gawa ba ng nasilayan niya ang gawapo niyang boss at nagkalapit sila. O dahil masarap talaga ang kape at tinapay na ginawa niya. Kung ano man ang dahilan ng saya na kanyang nararamdaman ay nagpapasalamat siya dahil good talaga ang mood niya. Patapos na si Mario sa isang file na tinatype niya ng mapansin niyang may isang napakagandang babae sa tabi niya. Napalunok pa siya ng mapansin nitong nakatingin ito sa kanya. "Hi," malambing na bati nito sa kanya. Para naman niyang nalunok ang sariling dila dahil hindi siya makapagsalita. Sa ganda ng babae ay maaaring girlfriend ito ng boss niya. Bakit parang may kumirot sa puso niya sa isiping nagbalik na ang girlfriend ng boss niya. "Hello Ma'am. What can I do for you?" tanong niya na ikinangiti ng babae. "Who are you? Are you a new employee?" "Yes Ma'am. Mario Arenas at your service, Ma'am, new secretary of Mr. Sandoval," pakilala pa niya. Naghugis o pa ang labi nito, bago muling ngumiti sa kanya. "Totoo pala ang balita na hindi na talaga tumatanggap ng babaeng secretary si Fabio." "Yes Ma'am. May problema po ba?" "Naku wala naman. Nga pala, nariyan ba si Fabio?" "Opo Ma'am. Gusto po ba ninyong itawag ko kayo kay Sir?" "Naku hindi na, hihintayin ko na lang siyang lumabas," sagot ng babae at kumuha pa ng upuan naupo pa sa tabi niya. Napalunok namang muli si Mario, ng hawakan nito ang kamay niya. "You have a beautiful hands. Parang mas malambot pa ang kamay mo sa kamay ko," komento pa ng babae. "Hindi naman sa ganoon Ma'am. Syempre, kailangan ko pong alagaan ang mga kamay ko. Ito ang puhunan ko, para magkaroon ng maayos na trabaho. Tulad ngayon, alam mo na Ma'am. Sekretarya ako ni Mr. Sandoval, kaya dapat maayos ang kondisyon ng kamay ko, para makapag take down ng notes at mabilis na makapagtipa." Pumungay naman ang mga mata ng babae at maaliwalas na ngumiti sa kanya. "Ganyan talaga ang gusto ko sa mga lalaki, iyong tipong napaka-very hard-working," wika pa nito ng bigla siyang kabahan. Bakit pakiramdam niya, ay humahanga sa kanya ang dalaga. Sino ba talaga ito? Alam niyang sa ngayon gwapo siya. Pero sa totoo lang gwapo rin naman ang hanap niya. Pero sa sitwasyon niya ngayon, tamang tahimik na paghanga lang kaya niya. Paghangang hindi niya pwedeng ibulalas. Hindi dahil sa lalaking katauhan niya. Kundi hindi dapat dahil sa lihim niya. Bawal humarot. Napailing na lang si Mario. "Naku Ma'am, sa hirap ng buhay, kung hindi ka magsisipag ay wala kang mararating," sagot niya at hindi na lang pinansin ang dalaga. Kailangan niyang matapos ang kayang tinatype, para masimulan na ulit ang iba pa. Kaya lang paano siya matatapos kung may babaeng, bigla na lang sumulpot sa tabi niya, at mukhang crush pa siya. Napagkamalan pa niya itong girlfriend ng boss niya. Ngunit mukhang hindi naman pala. Samantala, mula sa binabasang papeles ay napaangat ng tingin si Fabio sa glass wall. Ewan ba niya, kung bakit, sa dinami-dami ng pwedeng maging stress reliever niya. Bakit ang mukha ni Mario ang gusto niyang makita. Ngunit bigla na lang nagusot ang noo niya ng mapansing may babae itong kasama. Higit pa doon ay mukhang kanina pa roon ang babae at inaabala si Mario sa ginagawa nito. Hindi malaman ni Fabio kung ano ba ang dapat niyang gawin. Bakit naiinis siyang may babaeng lumalapit sa binata? Unang araw pa lang ni Mario sa kompanya niya, parang mababaliw na siya. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Fabio at mabilis niyang tinungo ang palabas sa opisina niya. Sabay pang napalingon sa kanya si Mario at ang babaeng nasa tabi nito sa malakas na pagbukas ng pintuan. "Marinela! What are you doing here?" May diin niyang tanong bago tiningnan ang sekretarya niyang nakatingin din sa kanya. Nagyuko ito ng tingin ng titigan niya ng masama. "Dapat lang, oras kasi ng trabaho at bawal ang makipaglandian," hindi niya mapigilang bulalas sa isipan. "Baby," wika ni Marinela at mabilis itong bumitaw sa pagkakahawak sa sekretarya niya at lumapit sa kanya. Pinupog naman siya ng halik ng babae sa pisngi. Kitang-kita niya ang pag-angat ng mukha ni Mario sa kanilang dalawa. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha ng lalaki. Bakit parang naiinis siya sa pagkakataong, hindi niya malaman ang saloobin ng binata? Dahan-dahan niyang inilayo si Marinela sa tabi niya. Para na rin matigil ito sa paghalik sa kanya. "In my office Marinela," utos niya sa babae, bago niya binalingan si Mario. "This is your first day. Sana naman kaya mong paghiwalayin ang trabaho, at ang pakikipagflirt sa oras ng trabaho mo! Kung mahal mo ang trabaho mo, do your job properly! Kung hindi mo gusto ang trabaho mo makakaalis ka na. Humanap ako ng lalaking sekretarya dahil ang gusto ko, uunahin ang trabaho. Pero hindi ko rin gusto na makipagharutan ang sekretarya ko sa ibang babae, o sa kahit na kaninong empleyado dito sa kompanya ko. Kung may reklamo ka sa gusto ko, bukas ang pintuan ng kompanya ko. Malaya kang makakaalis!" Bawat salitang binitawan ni Fabio ay parang punyal sa dibdib ni Ria. Parang gusto niyang magpakatotoo na babae siya at hindi talaga siya lalaki. Gusto niyang umiyak. Nasasaktan siya. Siguro ay gawa na rin ng pagbubuntis niya kaya napaka sensitive niya. Kaya lang kailangan niya ang trabahong ito. Masyadong malaki ang sasahudin niya dito, kumpara sa iba. Higit sa lahat ang isang buwan niya dito, ay katumbas ng minsanan lang na kita niya bilang sales agent sa kompanya ni Ms. Lucefria. Kaya hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Sa ilang buwan na pwede siyang manatili sa kompanya ng boss niyang si Fabio ay makakaipon siya ng malaki. Na gagamitin niya sa pagreresign niya pag malapit na siyang manganak. Humugot-buga siya ng hangin para kalmahin ang sarili. Ayaw niyang mas lalong magalit sa kanya ang boss niya. "I'm sorry Sir, hindi na mauulit. At nauunawaan ko po kayo. Pasensya na po ulit." Gusto man niyang ipaliwanag na wala naman talaga siyang kasalanan, at ang babaeng tinawag nitong Marinela ang kusang lumapit sa kanya ay hindi na lang niya ginawa. Ayaw niyang humaba pa ang usapan at paliwanagan. Sana lang ay tanggapin ng boss niya ang pagsosorry niya. "Okay, back to work. Sana ay hindi na ito maulit," sagot ni Fabio na ikinatango na lang ni Mario. Hinawakan naman niya ang kamay ni Marinela at hinila papasok sa loob ng opisina niya. Wala namang nagawa ang babae kundi magpatangay sa kanya. Pagkarating nila sa loob ay dinala niya si Marinela sa mini living room niya. At doon pinaupo sa sofa na naroroon. "What are you doing here?" seryoso niyang tanong ng ngitian lang siya ng babae. "Ganyan ba talaga dapat ang pagwelcome sa ate mo?" "Hindi kita kapatid." "Hindi nga. Pero mas matanda pa rin ako sa iyo ng isang buwan. Higit sa lahat mula ng kinupkop ako ng mga magulang mo ate mo na ako." Napahilot na lang si Fabio sa sentido. Mukhang pasasakitin pa yata ng babaeng kaharap ang ulo niya. "Okay, pero ano bang ginagawa mo dito? Inaabala mo ang empleyado ko." "Para nilapitan ko lang nang-aabala na kaagad. Sinabi kasi ni Tita na gwapo ang sekretarya mo. At tama nga sila. Single ba siya?" "Why you asked?" "I like him. Ito na ba ang love at first sight?" Kinikilig pang saad ni Marinela. Gusto niyang kutusan ang babae para iiwas sa pantasya nito. "I don't know," pagsisinungaling niya. Ewan ba niya kung bakit gusto niyang magsinungaling. "Isa pa, bata pa si Mario, twenty four pa lang siya. Thirty ka na Marinela. Mag-asawa ka na at huwag iyong empleyado ko ang ginugulo mo." "Ang damot naman nito. Age doesn't matter kaya. Isa pa, hindi naman ako mukhang thirty. At dahil sa height ko napapagkamalan nga lang akong twenty two. So bagay talaga kami ni Mario. "Don't you there Marinela. Umuwi ka na nga lang sa pinanggalingan mo." "Aba't! Manyapat, ipinagpalit ka ng fiancée mo sa career niya, naging masungit ka na. Bakit kaya hindi na lang ikaw ang maghanap ng iba? Madaming babae dyan na nagkakandarapa sa iyo. Sure na hindi ka iiwan, at mamahalin ka pa ng totoo." Bigla ay pumasok sa isipan niya ang magandang mukha ni Ria. Mula noong gabing iyon ay palagi na niyang naaalala ang dalaga. Iyon nga lang, ay naguguluhan siya ngayon dahil nakakalimutan niya ang dalaga pag kaharap niya si Mario. "Naka move on na ako kay Alison. Ang ayaw sa akin, huwag habulin." "Talaga lang ha." "Oo nga, ang kulit," napupuno na niyang sagot. Pero hindi niya magawang magalit kay Marinela. Marinela is his first cousin. Anak ito ng kapatid ng mommy niya. Single mother ang ina ni Marinela. Matapos ipanganak ito, ay sumakabilang buhay naman ang Tita niya. Hindi kasi nila akalaing may sakit ito sa puso. Kaya si Marinela ang parang naging panganay sa pamilya nila at siya ang bunso, kahit sa katunayan ay solong anak lang naman siya. "Mabuti kong ganoon. Humanap ka na ng iba. Sabi ko naman sa iyo, ayaw ko talaga sa Alison na iyon." "Oo na. Madami pa akong trabaho, kaya kung hindi nakakahiya sa iyo ay umuwi ka na, please." "Pwede ko bang ayain si Mario mamayang lunch?" "May free lunch sa cafeteria okay." "Mamayang dinner?" "Hindi siya pwede. Maaga siyang uuwi mamaya. Dahil siya ang naglilinis ng opisina ko. Kaya dapat makauwi siya ng bahay kaagad para makapagpahinga." "May cleaner ka dito. Bakit naman sekretarya mo pa ang kailangang maglinis?" "Kasi iyon ang gusto niya," pormal niyang sagot. "Kunin ko na lang ang number niya." "Hindi rin pwede, bawal namang humawak ng cellphone sa oras ng trabaho." "Ang damot mo talaga ngayon. Kung umasta ka para kang possessive na boyfriend. Kung babae iyang si Mario, maiisip ko talagang binabakuran mo. Naku Fabio, ang cute-cute mo talaga. Aalis na ako. Sa susunod ko na lang kukunin ang number ni Mario, at sa susunod ko na lang din siya aayaing kumain sa labas. Baka first day pa lang ni Mario, alisin mo na sa trabaho. Kasi ang sungit mo ngayon. Sayang naman kung hindi ko na ulit siya makikita. Sungit. S'ya bye na," ani Marinela bago muling humalik sa pisngi niya. Pagdating nito sa may pintuan ay muling bumaling ito sa kanya ng tingin. "Damot! May araw ka rin sa akin Fabio. Hmp!" asik pa nito na ikinangiti na lang niya. Pabagsak siyang naupo sa sofa pagkasara ni Marinela ng pintuan. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang ipagdamot si Mario, kahit kay Marinela. Ang masakit pa, parang gusto niya itong itago sa pinsan niya. Huwag lang magkita ang dalawa. Napasabunot siya sa sariling buhok. "What the hell is happening to me?" tanong pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD