ABALA sa pagbabasa ng mga papeles si Fabio ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng opisina niya. Nag-angat siya ng tingin ng bumukas ang pintuan ng papasukin niya ito.
"Good morning Sir. Narito na po si Mr. Arenas. Tulad po ng utos po ninyo na pagdumating siya ay dalahin ko na po siya kaagad dito."
"Good," tipid niyang sagot.
Iginaya naman papasok ni Ms. Suarez ang binata. Pinagmasdan niya itong mabuti. Masyadong maliit ang katawan nito kumpara sa height nito. Mas masasabi niyang mas bagay itong maging babae kaysa lalaki. But anyways, hindi naman niya problema ang body built nito. Ang mahalaga sa kanya ay magawa nito ng maayos ang trabaho nito.
"Mr. Mario Arenas this is our CEO, Mr. Fabio Achilles Sandoval," pakilala pa ng babae sa kanya.
"Hi Sir, I'm Mario Arenas," pakilala nito na ikinakunot niya ng noo. Parang may something kasi sa boses nito. Iyong tipong parang pilit na pinalalagong na hindi niya maipaliwanag.
Pinagmasdan niya ng maayos ang bagong sekretarya niya. Masasabi niyang gwapo ito. Alam niya sa sariling gwapo siya. Pero iba ang dating ni Mario sa paningin niya.
"Nice meeting you Mario," aniya. Binalingan naman niya si Ms. Suarez. "Thank you Ms. Suarez, you may go. Ipapatawag na lang ulit kita pag may kailangan ako." Pagkasabi niya noon ay nagpaalam na rin ito kaagad.
Naiwan naman sa harapan niya ang bagong sekretarya niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, sa dami ng lalaking nakasalamuha niya. Business partner man yan, o mga dating kakilala, ay iba ang dating para sa kanya ng lalaking nasa kanyang harapan.
"Introduce yourself," iyon lang ang nasabi niya at naupo siya ng ayos. Gusto niyang marinig kung paano ito magpapakilala ng sarili. Hindi nga niya alam kung bakit ganoon ang nasabi niya. Basta gusto lang niya. Kahit siya ay naguguluhan sa sarili niya. First time kasi niyang magkaroon ng lalaking sekretarya. Kaya naninibago talaga siya sa ikinikilos niya.
"I'm Mario Arenas, Sir. Twenty four years old, at marami ng trabahong sinubukan. Naging sekretarya rin ako sa unang kompanya na pinasukan ko. Ngunit noong magtaas sila ng standard, natanggal ako. Undergraduate lang ako Sir, pero masipag naman ako. Ang last kong trabaho ay sales agent ako ng mga lupa at bahay. Kaya lang palagi akong pinag-iinitan ng boss kong matandang dalaga. Kaya naman noong nalate ako sa pagpasok sa trabaho tinanggal na niya ako at hindi na pinagpaliwanag pa."
Pinasadahan muli ng tingin ni Fabio ang sekretarya niya. Mukhang nauunawaan na niya kung bakit ito inalis sa trabaho ng sinasabi nitong boss na matandang dalaga. Bata pa ito sa edad nitong bente kwatro. Siya man ay thirty one na. Pwede na ring tawaging matandang binata dahil sa pag-iwan sa kanya ng ex-fiancée niya.
Napabuntong-hininga na lang si Fabio ng maalala na naman si Alison. Kailangan na niya itong makalimutan. Kailangan na niyang magmove on.
Ngunit natigilan saglit si Fabio. Bakit hindi na niya makapa ang sakit sa pag-iwan ni Alison sa kanya? Mas nananaig sa kanya ang kagustuhang makita ang babaeng sa pangalang Ria lang niya kilala.
Napailing na lang siya at muling tiningnan si Mario. "Ano ang dahilan at dahil lang sa nalate ka, ay inalis ka na sa trabaho?" Wala naman siyang pakialam sa dahilan nito. Kaya lang bigla na lang lumabas sa bibih niya ang tanong na iyon. Maybe curiosity?
Humugot naman ng hangin si Mario bago nagsalita. "Broken hearted kasi Sir, iniwan kasi ako ng boy---." Saglit na natigilan si Mario sa pagsasalita. Muntikan na siya. "Ibig ko pong sabihin, iniwan po ako ng girlfriend ko at ipinagpalit sa ibang lalaki. Sa best friend daw niya. Pero best friend with benefits pala sila. Medyo napainom ako Sir. Dahilan para hindi ako nagising ng maagap. Pero okay na ako Sir. Hindi naman maaapektuhan ng pagiging broken ko ang trabaho ko. Promise."
Kitang-kita ni Fabio ang sakit nararamdaman ni Mario. Ngunit napangiti naman siya ng magtaas ito ng kanang kamay. Nang mangako itong hindi magiging apektado ang trabaho niya sa pagiging broken niya.
Nailing na lang si Fabio. Mukhang tama nga ang mommy niya. Magkakasundo sila ng binata. Lalo na at pareho lang pala halos sila ng pinagdaanan. Siya na iniwan at ipinagpalit sa career. Si Mario naman ay iniwan at ipinagpalit naman sa iba.
"Isa pa, move on na naman ako Sir. Ang kailangan ko ngayon talaga ay magkaroon ako ng trabaho. Kailangan ko naman kasi ngayong mahalin ang sarili ko. Wala namang magandang maidudulot sa akin ang magstay sa nakaraan. Kung ipinagpalit niya ako sa iba, hindi naman siya kawalan. Sinayang niya lang naman ang pagkakataong nasa tamang tao na siya na labis na nagmamahal sa kanya. Pero ipinagpalit lang niya ako sa panandaliang ligaya."
Napangiti naman si Fabio sa sinabi ni Mario. Parang kailangan din niya iyon ngayon. Ang mahalin ang sarili bago mahalin ang iba. Isa pa tinamaan din siya sa sinabi ni Mario. Hindi na kailangang habulin ang umalis. Sapat na ang pagmamahal na inilaan niya kay Alison. Hindi na niya kasalanan pa kung iniwan siya nito.
Napahugot siya ng hangin ng maalala na naman niya si Ria. Mula nang gabing maangkin niya ang dalaga ay hindi na ito nawala sa isipan niya. Mas madalas pa nga niya itong naiisip kaysa kay Alison.
"Gusto ko ang pagiging matatag mo na kahit iniwan ka, naninindigan ka para sa sarili mo. Halos pareho lang tayo ng sitwasyon, iniwan rin ako. Kahit mahal na mahal ko siya, walang nagawa ang pagmamahal ko para magstay siya. Kaya nauunawaan kita. So welcome to our company. Sa labas ang table mo. Alam mo naman ang pwesto ni Ms. Suarez?"
"Yes Sir!"
"Siya nga pala ang magtuturo sa iyo ng mga kailangan mong matutunan at malaman."
"Okay po Mr. Sandoval."
"Sige na, Mario, you may go. Puntahan mo na si Ms. Suarez, at balikan mo ako rito pag alam mo na ang lahat na itinuturo niya."
"Yes, Sir!"
Nagpaalam na sa kanya si Mario, at nasundan na lang niya mula sa glass wall ang binata ng maisarado nito ang pintuan.
Hindi tuloy malaman ni Fabio kung paanong, habang magkausap sila ay pigil na pigil niya ang paghinga niya. Kaya naman nagulat na lang siya ng paglabas ni Mario ay naghahabol siya ng hininga.
Gusto man niyang isipin nang isipin kung ano ang nangyayari sa kanya ay wala talaga siyang maisip na dahilan. Kaya naman pinilit na lang niyang ignorahin kung ano man iyon at ipinagpatuloy ang naudlot na trabaho.
Samantala, pagkasarado ni Ria ng pintuan ng opisina ng boss niya ay parang gusto na niyang mawalan ng malay.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit, parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Pero isipin man niya nang isipin, sigurado siyang ngayon lang talaga sila nagkita ng boss niya. Higit sa lahat ay ang kagwapuhan nito na nagpapahina talaga sa tatag ng tuhod niya.
"Kaya naman pala, natutulala mga sekretarya ng boss ko, ay literal naman talagang gwapo. Walang halong tsismis, ako ang isa sa magpapatunay," aniya sa sarili.
Ilang beses pa siyang humugot-buga ng hangin bago naglakad papunta sa table ni Ms. Suarez. Hindi siya maaaring ma in love sa boss niya, lalo na at hindi siya si Maria Angela Arenas Capili. Kundi si Mario Arenas, na lalaki at bagong sekretarya nito.
Mabuti na lang talaga at buhay pa ang pagawaan ng mga pekeng dokumento. Hayon at isa siya sa pumila, para lang magkaroon ng ibang pangalan sa kanyang katauhan.
Pangalan at kasarian lang naman ang binago niya. Lahat mg credentials sa resume niya ay totoong pinagdaanan niya.
Kung hindi lang lalaki ang hanap ng bagong boss niya, wala sanang problema. Kaya lang wala eh. Kailangan niyang magpanggap ngayon sa ngalan ng trabaho at pera. Kaya nagpapasalamat siyang natanggap siya kaagad.
Ngunit sa totoo lang, hindi malaman ni Ria kung hanggang kailan siya tatagal sa trabaho, kung baka sa paglipas ng buwan ay mahalata na ang tiyan niya. Ngunit hinihiling niyang maliit lang sana siyang magbuntis. Pero dapat healthy at malusog ang anak niya.
Habang papalapit sa table ni Ms. Suarez ay may nadaanan siyang salamin. Napangiti pa siya ng mapansin niyang bagay sa kanya ang wig na suot. Lalo na sa long sleeve at slacks na suot niyang bumagay sa katawan niya. Medyo nilakihan lang niya ang long sleeve, para hindi mahalatang babae siya.
Sa ngayon iyon lang ang ipinagpapasalamat niya na mayroon siyang maikling buhok. Naputol lang naman ang buhok niya dahil galit nga sa maganda iyong si Ms. Lucifer, este Lucefria. Kaya hindi na siya gaanong hirap sa pagpapanggap. Dahil ngayon panlalaking wig lang, matatakpan na ang totoong buhok niya.
"Gwapo rin pala talaga ako kung naging lalaki ako. Pwede na akong magpanggap kahit maalin sa dalawang kasarian. Kahit totoong babae ako o pekeng lalaki ako." Nailing na lang si Ria sa naiisip niya.
Ngunit sa lahat talaga, mas dapat siyang magpasalamat sa babaeng tumawag sa kanya. Na napag-alaman niya kay Ms. Suarez kanina na mommy ng boss niya. Ito kasi ang naghired mismo sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon wala pa rin siyang trabaho.
Natapos ang buong araw na training niya. Mahirap pero alam ni Ria na kakayanin niya. Nakapagreport na rin siya sa boss niya, na akala niya noong una ay ubod ng strikto at sungit. Ngunit hindi rin siya sigurado. Paano nga kung babae siyang nakilala nito? Baka mamaya, red flag pala ito at labis kung magsungit sa kanya.
Pero sa ngayon, hindi iyon ang dapat problemahin niya. Ang kailangan niya ay makaipon para sa future nila ng baby niya.
Dahil habang may trabaho siya, at maliit pa ang tiyan niya, maiitago niya ang lihim niya. Lalo na at lalaki pa siya sa paningin ng iba at ng boss niya. Kailangan niyang makaipon ng pera, para sa panganganak niya, at para sa anak niya.
"Good luck to you Mario. Galingan mo ha," aniya sa sarili. "Totoong trabaho na bukas at lalaki ka na talaga, simula bukas."