DAHAN-DAHANG iminulat ni Fabio ang mga mata ng maramdaman niyang tumatama ang init ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Hindi niya akalaing sa loob ng ilang taon nilang magkasintahan ni Alison ay magagawa siya nitong iwan at ipagpalit sa karera nito. Kahit alam ng dalaga na hindi naman siya magiging hadlang sa gusto nito, magsabi lang ito sa kanya.
Ngunit sabi nga hindi lahat ng gusto mo, ay ibibigay sa iyo. Katulad ngayon, sa pag-aakalang nakita na niya ang babaeng makakasama niya habang-buhay hindi pa pala. Kasi ngayon single na naman siyang muli.
Nailing na lang si Fabio ng maalala niya kung gaanong karaming alak ang nainom niya. Ang pag-inom ng akala na kontrolado niya, ay hindi na niya nagawa. Nagpakalunod siya sa alak hanggang sa mauwi iyon sa isang one night stand, sa isang babaeng may magandang mukha at mga mata, na Ria ang pangalan.
Biglang napabalikwas si Fabio ng bangon sa kama, ng maalala si Ria. Ngunit kaagad ding bumagsak dahil sa hilo na nararamdaman.
"Hangover for pete sake!" reklamo niya ng hindi siya makabangon kaagad. Kaya naman ang ginawa niya ay kinapa na lang ang babaeng kasiping niya kagabi. Ngunit nagulat siya ng wala na ito sa tabi niya.
"Ria," tawag pa niya sa pag-aakalang nasa banyo lang ito. Ngunit kahit kaunting lagaslas ng tubig sa banyo ay wala.
Napatingin pa si Fabio sa mantsa ng dugo sa kobre kama na kanyang kinahihigaan. Naroon na naman ang pagsilay ng mumunting ngiti sa kanyang labi. Ngunit kasunod rin ang pag-aagam-agam sa kanyang puso.
Kung paano niya hahanapin si Ria ganoong Ria lang ang alam niyang pangalan nito. Ngunit hindi mawala sa isipan niya ang magandang mukha ng dalaga. Dahilan para sa isang iglap, mawala ng panandalian ang sakit na dulot ng pag-iwan ni Alison sa kanya. At nangyari ang lahat sa kanila ng ganoong kabilis.
Nagpilit siyang bumangon. Kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Hindi siya maaaring magmukmok lang dahil sa pag-iwan sa kanya ni Alison. Mas mabuting ituon na lang niya ang lahat sa trabaho. Kaysa namnamin ang sakit ng pag-iwan sa kanya ng kasintahan. Higit sa lahat, kailangan niya hanapin si Ria. Dahil kailangan nilang mag-usap dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.
Pagbaba ni Fabio ng kama ay nagulat na lang siyang panloob lang niya ang naroon. Ang coat ay nakalatag din sa sahig at ang damit na suot ni Ria na may mantsa pa ng dugo. Habang ang pantalon at long sleeve niya ay wala na doon.
Nailing na lang siya. Mabuti na lang at ilang pares ng office attire niya ang dala niya. Hindi man niya inaasahan na mangyayari ang bagay na iyon ay hindi lang siya umaalis ng bahay ng walang extrang maisusuot.
Tinupi niya ang damit ni Ria. Wala siyang balak iwan ang damit ng dalaga doon. Hindi nga rin niya malaman kung bakit sa pagkakataong iyon ay nais niyang alagaan at ingatan ang damit nito. Kahit iyon lang muna at hindi ang mismong dalaga ang kasama niya.
Mabilis na naligo si Fabio. Pagkatapos niyang magbihis ay umalis na rin siya ng hotel. Wala naman siyang dapat alalahain pa. Alam na rin naman ng hotel staff ang nangyari kagabi. Higit sa lahat ay bayad na niya ang lahat hanggang sana sa araw na iyon. Ngunit, wala naman siyang balak magparefund. Ang nais na lang niya ay lisanin ang lugar na iyon.
Pagkarating niya ng opisina ay mas lalo pa palang sasakit ang ulo niya ng madatnan niya ang bagong sekretarya. Maayos nga itong manamit ngunit alam niyang hindi trabaho ang ipinunta nito sa kanya.
"What is my schedule for today?" tanong niya ng tulalaan lang siya ng babae. Mukhang nadi-day dreaming pa ang dalaga.
"I'm your schedule for today Sir," sagot nito na pinapungay pa ang mata.
Nailing na lang siya at nilampasan ang babae. Nagtuloy na siya sa opisina. Mukhang walang matinong mangyayari sa araw na iyon. Kaya naman tumawag na lang siya sa HR. Para papalitan ang sekretarya niya.
Hindi naman naglipat ang araw at may dumating ng nakapalit ang sekretarya niya. Ngunit kung mukhang walang mapapala sa una ay parang mas lalo na yata ngayon. Nakanganga lang ang babae at wala yatang balak gawin ang trabaho niya, mula ng makita siya.
Napahilot na lang siya ng sentido. "I'm done with this, you're fired Ms. Mendez!" galit na wika niya sabay turo ng pintuan palabas.
"But Sir, hindi pa po nag start ang trabaho ko."
"At hindi na talaga magsisimula ang trabaho mo dahil inaalisan na kita ng trabaho. Get out!" Inis niyang saad ng padabog na lumabas ang babae.
Hindi malaman ni Fabio kung ano ang gagawin niya. Nagresign kasi ang matandang sekretarya pa ng daddy niya bago ito nalipat sa kanya. Naiintindihan naman niya iyon, lalo na at halos buong buhay ng sekretarya niya ay inilaan nito sa pamilya niya. Ngayon, mas tamang ilaan naman nito ang kanyang pagreretiro para makasama ang pamilya. Ang mga anak nitong lumaking wala siya sa tabi, ngunit naroon naman ang maliliit nitong mga apo para bumawi sa pag-aalalang hindi nito nagawa sa mga sariling anak.
Pabagsak ang pagkakaupo ni Fabio sa kanyang swivel chair. Mukhang hindi lang ang pag-iwan sa kanya ng fiancée ang magpapasakit ng ulo niya. Kundi ang paghahanap niya ng sekretarya.
Nasa mahigit isang buwan na rin mula ng maghanap siya ng bagong sekretarya ngunit hanggang ngayon wala pa siyang mahanap na matino kahit isa.
Nagulat na lang siya ng pumasok sa opisina niya ang mga magulang niya.
"Ano bang nangyayari sa iyo Fabio? Buhat nang umalis si Alison ay nagkaganyan ka. Pati paghahanap mo ng sekretarya ay nagkaproblema ka na," sermon pa ng mommy niya.
Hindi naman sana talaga siya magkakaproblema kung trabaho ang ipinunta ng mga aplikanteng tinatanggap niya. Kaya lang, sa halip na trabaho ang puntirya ay siya ang tinatarget ng mga ito.
"Don't worry mom, dad. Baka this time, magkakaroon na ako ng maayos na sekretarya. I hired a man as my secretary. I need a secretary who love his job, and not to flirt with me."
"Mabuti kung ganoon. May napili ka na ba sa mga aplikante mo?"
"Wala pa dad, kadarating lang nitong mga resume nila. At hindi ko pa natitingnan ang kahit na isa sa kanila."
Nagkibit-balikat balikat na lang si Fabio ng ang mga magulang na lang niya ang kumuha ng mga resume na nakapatong sa table niya. May tiwala naman siya sa pagpili ng mga ito. Tulad ng dating sekretarya ng daddy niya. Hanggang sa tumanda ito ay hindi naging problema.
"I like him," wika ng mommy niya na parang kinikilig pa.
Napaangat siya ng noo ng mapansin ang pagsimangot ng daddy niya. Hindi niya mapigilan ang pagngiti dahil sa nakikitang selos sa mukha ng daddy niya. Pero agad din namang sumang-ayon sa kagustuhan ng mommy niya.
"Call him, we hired him as your new secretary. Siguro naman ngayon ay hindi ka magkakaroon ng problema. Pero huwag mong pahihirapan ang batang iyan. Sa liit niyan ay baka biglang mag-iyak dahil nasigawan mo.
Nailing na lang siya. Paanong maliit? Kinuha niya ang resume ng lalaking napili ng mga magulang niya para sa kanya. Nakunot noo na lang siya ng makita niya ang itsura ng lalaking iyon. Parang nakita na niya ang mga mata nito. Ngunit hindi niya maalala kung saan niya nakita.
"Okay I call him, I hired him," sagot niya ng muling agawin sa kanya ng mommy niya ang resume ng lalaki at ang mommy na mismo niya ang tumawag dito.
Tahimik lang ang daddy niya, na parang napitpit na luya ng tingnan ito ng masama ng mommy niya.
Gusto rin niyang maranasan ang ganoong pagmamahal. Akala nga niya ay kay Alison niya mararanasan ang ganoong pagmamahal. Ngunit nagkakamali pala siya. Dahil iniwan lang siya nito ng basta-basta.
Ilang sandali pa at nakausap na ng mommy niya ang bago niyang sekretarya. Ibinalik na nito sa kanya ang resume nito.
"His coming today. I told him na start na rin siya ngayong araw. Maging mabait ka sa batang iyon. Sa tingin ko naman makakasundo mo siya. I like him, kasi mag-isa na lang siya sa buhay. Kaya naman gusto kong makatulong sa mga ganyang labis na nangangailangan sa buhay."
Doon niya napagtanto kung bakit ang bilis husgahan ng mommy niya ang lalaking iyon. Naaawa pala ito. Kahit ang daddy niya ay nakita niya ang relief ng maunawaan ang nais ng asawa. Sus! Kanina lang nagseselos na ito. Tapos ngayon, nailing na lang siya.
Muli niyang pinagmasdan ang sekretaryang napili ng mommy niya. Nailing na lang siyang sa taas niyang six feet and two inches. Pandak pa rin kumpara sa kanya ang lalaking sekretarya niya na ang height ay five feet and five inches. At tama nga ang mommy niya na maliit ito. Dahil sa mommy niya na mas mataas pa dito ng dalawang pulgada. Habang ang daddy niya ay halos kasing taas niya.
"Ang pandak naman ng lalaking ito," hindi niya mapigilang puna.
"Ay ang cute nga ng batang iyan eh," sabat pa ng mommy niya.
"Parang gusto ko na talagang magselos mahal," reklamo naman ng daddy niya.
"Ang sweet ninyong dalawa. Huwag nga ninyo akong inggitin. Magsilayas na nga kayo. Ganyan pa kayong ka sweet alam naman ninyong broken ako."
"Kung hindi para sa iyo, baka mayroong ibang nakalaan para sa iyo," dagdag pa ng mommy niya.
"Oo na po. Sige na. Busy po ako. At ang trabaho na para sa sekretarya ko. Ako rin ang gumagawa. Kung maglalambingan lang naman kayong dalawa, maghotel kayo o umuwi na kayo. Pwede," pakiusap pa niya ng irapan siya ng mommy niya.
"Tsee! Tara na nga mahal. May inggitero. Hire him, Fabio ha. Malalagot ka sa akin pag hindi mo tinanggap ang binatang iyon. Mukhang maayos naman ang isang iyan, at mukhang kailangan talaga niya ng trabaho."
"Paano ninyo nasabi?"
"Base sa resume niya. See." Ipinakita ng mommy niya sa kanya na hindi tapos sa pag-aaral ang binata. Pero, mukhang masipag at nagsisikap naman talaga ito."
"I see."
"Hired him. Okay."
"Yes mom," sagot niya bago siya iniwan ng mag-asawa.
Muli ay binasa niya ang resume ng lalaking magiging sekretarya niya. "Mario Arenas," nailing na lang siya.
May kung ano kasi sa isipan niya na hindi niya maipaliwanag. May pumapasok sa isipan niyang isang alaala. Ngunit hindi malinaw sa kanya kung sino o saan niya ito nakita.