BIGLANG bumundol ang kaba sa dibdib ni Ria ng bumungad sa kanya ang silid na kanyang kinalalagyan. Hindi iyon ang kanyang hotel room kaya nagtataka siya kung paano siya nakarating sa kwartong iyon.
Muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit wala talaga siyang maalala sa nangyari sa nagdaang gabi. Hanggang sa may mahagip ang kanyang mata na katabi niya sa kama.
"Oh my God!" Gulat niyang bulalas ng mapansing niyang hubad ang lalaki at hubad din siya.
"Ano bang kalokohan ang pinasok ko?" naitanong niya sa sarili ng sa pagkilos niya ay naramdaman niya ang pananakit ng kanyang katawan. Lalo na ang parte sa gitna ng kanyang mga hita.
Patunay na hindi lang alak ang dahilan ng pananakit ng lahat ng parte ng kanyang katawan. Kundi nakipagtusukan talaga siya sa kung sino mang lalaki itong nasa kanyang tabi.
Nasampal pa niya ang noo ng maalala na niya ang buong pangyayari sa nakalipas na magdamag. "Anak ng tinapa. Kasalanan ito ng hayup na Steve na iyon at ng bruha niyang best friend!" inis na inis na saad ni Ria sa sarili ng mabaling siyang muli sa hantad na likuran ng lalaking kagabi lang ay kaniig niya.
Nanghihinayang lang siyang hindi niya maalala ang mukha nito. Tapos ngayon ay nakatalikod pa sa kanya. "Sana lang ay totoong gwapo ka. Baka mamaya likod mo lang ha," komento pa niya.
Dahan-dahan siyang bumaba sa kama para hindi makagawa ng ingay at para hindi ito magising. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung paano ito haharapin sa sitwasyong iyon. Kung kagabi ay malakas ang loob niya. Ngayon naman, nag-uunahan ang hiya sa katawan niya.
Pero sa katunayan ay masaya siya. Masaya siya na hindi sa cheater na ex-boyfriend niya naibigay ang pinagkakaingatan niya. Mas tanggap niyang sa estrangherong mukhang yummy at maganda ang katawan ang nakakuha ng virginity niya. Iyon nga lang hindi niya makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kanya. Higit sa lahat ay nakasubsob pa ang mukha nito sa unan.
Walang pagpipilian si Ria kundi hiramin ang damit ng lalaki. Kailangan niyang iwan ang damit niya sa silid na iyon. "Hinagis nga, parang sa gitna naman ng kama napadpad." Mukhang nadaganan pa kasi niya iyon ng makuha siya ng lalaki. May bahid pa kasi iyon ng dugo.
Matapos niyang makapagbihis ay mabilis na siyang lumabas ng silid na iyon. Pagdating niya sa front desk ay nagcheck out na rin siya sa hotel room na nabook niya. Nanghihinayang lang talaga siya dahil hindi niya nasulit ang free meal sa hotel dahil tanghali na siya.
"Ay tang ina!" Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Ria ng maalalang may trabaho pa pala siya. Mabilis siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa apartment niya.
Mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit. Ayaw na ayaw pa naman ng masungit niyang boss ang late sa trabaho. Kaya lang sa mga oras na iyon ay sobrang late na talaga siya.
Nagmamadali na siyang makapasok sa opisina ng boss niya ng sumalubong sa kanya ang mga gamit niya.
"Get out, you're fired!" Halos manlaki ang kanyang mga mata sa sigaw nito.
"Ms. Lucifer este Ms. Lucefria naman. Magpapaliwanag po ako. Huwag naman ninyo akong alisin sa trabaho. Di po ba nakapagclose ako ng deal kahapon kaya nga may malaki akong komisyon. Tapos nalate lang ako, saglit tatanggalin na ninyo ako kaagad sa trabaho," paliwanag niya ngunit mukhang hindi iyon tatanggapin ng boss niya.
"Ilang beses na nating napag-usapan ito Ms. Capili. Isang late na lang at tatanggalin na kita sa trabaho. Higit sa lahat hindi na ikaw ang nakapag close deal sa isang client mo. Si Ms. Jaz. Mas mataas ang sales niya ngayon. So pack your things and you're fired!"
"Ms. Lucefria. Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Hindi ko sinasadyang malate. Kasalanan ito ng boyfriend kong cheater. Uminom ako kaya hindi ako kaagad nagising." May kaunting katotohanan naman ang sinabi niya. Iyon naman talaga ang isang dahilan. Pero ang isa pang dahilan ay dahil pinagod siya nang lalaking naka one night stand niya.
"Last warning is last warning. Go to HR, and get your last salary. Ms. Maria Angela Arenas Capili, goodbye," natatawang saad pa ng boss niya naikinainis niya.
Hindi lang niya talaga ito malabanan. Pero sa totoo lang inis na inis siya, pag tinatawag siya nito sa buong pangalan. Paanong hindi? Ang pangalan kasi ng boss niya ay Maria Angela Lucifer, este Lucefria. Same name sila kaya palaging mainit ang ulo nito sa kanya. Kaya ngayon, tuwang-tuwa itong boss niya na nakahanap ito ng butas para pagtalsik siya sa trabaho kahit good performance naman siya.
Isa-isa niyang dinampot ang lahat ng gamit niyang inihagis ng boss niya. Hinayaan na lang niya ito, total naman kampon yata talaga ito ni Lucifer dahil sa sama ng ugali, ayon tumanda ng dalaga.
Matapos maayos ang gamit niya ay nagtungo na siya sa HR, para kunin ang huling sweldo niya. Nagpapasalamat siyang mura lang ang bayad sa hotel room na nakuha niya. Higit sa lahat ay nakalibre pa siya ng pagkain at alak kagabi kaya ngayon may pera pa siya. Idagdag pa ang huling sahod niya. Siguro naman ay makakahanap siya ng trabaho bago maubos mg pera niya.
"Nakakainip na," bulalas ni Ria.
Ilang araw na siyang naghahanap ng trabaho ngunit wala pa ring tumatawag sa kanya. Hindi niya malaman kung malas ba talaga siya o malas ba talaga siya.
Hanggang sa ang ilang araw niyang paghahanap ng trabaho ay umabot na ng mahigit isang buwan.
Hindi siya maaaring hindi makahanap ng trabaho. Lalo na at konte na lang talaga ang perang natitira sa kanya.
Biglang napabalikwas si Ria ng sa mahimbing niyang pagtulog ay biglang bumaliktad ang sikmura niya. Mabilis niyang tinungo ang banyo para doon, sumuka nang sumuka.
"Ano iyon? May nakain ba akong panis kagabi?" tanong niya sa sarili ng madako ang tingin niya sa mga sanitary napkin niya sa cabinet na hindi pa rin nababawasan mula pa noong nakaraang buwan.
"Wait! Hindi maaari!"
Kahit madaling araw pa lang ay lumabas ng apartment niya si Ria. Nagtungo siya sa pharmacy para bumili ng bagay na kailangan niya ngayon.
Hindi na siya nag-abalang umuwi ng bahay matapos niyang makabili. Nagtungo siya sa isang fastfood na bukas na sa mga oras na iyon. Isa pa ay nagcrave rin talaga siya sa chicken at fries.
Parang gusto na lang mawalan ng malay ni Ria ng makita niya ang resulta ng pregnancy test na ginamit niya. Iyon na nga ang hinala niya, sumang-ayon pa ang pregnancy test na ginamit niya. Positive. Buntis siya.
Gusto na lang maiyak ni Ria. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Lalo na ngayon na wala pa rin siyang mahanap na trabaho.
Tanghali na ng umalis siya sa fastfood na pinuntahan niya. Wala naman kasing gaanong tao kanina, kaya nagawa niyang tumambay muna doon.
Hindi na niya nagawang sumakay, gusto na lang muna niyang maglakad-lakad para makapag-isip. Hanggang sa kanyang paglalakad ay may nakita siyang isang kompanya na naghahanap ng sekretarya.
Madami na siyang napasukang trabaho at kahit papaano ay may pinag-aralan siya. Iyon nga lamang hindi sapat ang pinag-aralan niya, para maging isang boss katulad ni Ms. Lucifer este Ms. Lucefria. Kaya ayon tamang ahente lang siya, o tulad noong unang trabaho niya na sekretarya.
Mabilis siyang lumapit sa guwardiya para magtanong. "Hiring pa po?"
Tiningnan siya ng guwardiya mula ulo hanggang paa. "Oo, pero hindi para sa iyo ang trabaho dito. Ayaw ng boss namin sa babaeng sekretarya. Lalaki ang hinahap niya."
Napasipol naman siya sa sagot ng guwardiya sa kanya. "Bakla po ba ang boss ninyo?"
Bigla naman siyang hinampas ng guwardiya ng batuta sa ulo. Hindi naman masakit. Tamang napangiwi lang siya. "Hindi ganoon. Marinig ka, pati ako masisante dito. Kasi lahat ng babaeng naging sekretarya ni boss puro pagpapacute lang ang alam. Alam mo na, gwapo kasi ang boss ko. Ayon sa halip na gawin ang trabaho nila, wala silang matapos-tapos na trabaho. Ang ending tambak lang lahat. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka ng umasa, maganda ka Miss kaya sure, hindi ka talaga matatanggap."
"Ganoon po ba? Okay po manong. Salamat po," aniya.
Sumang-ayon na lang siya at hindi na nakipagtalo sa guwardiya. Kung hindi ba siya matatanggap ay di hindi. Ngunit napangisi na lang si Ria. Walang masama sa naiisip niya. Kailangan niya ng trabaho, lalo na sa sitwasyon niya ngayon.
"Kung walang tumanggap sa akin bilang si Maria Angela Arenas Capili. Baka naman pwede akong maging isang, alipin ng salapi," nasabi na lang siya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Kailangan niyang magmadali. Kailangan niya ng trabaho sa kahit na anong paraan. Kahit mahirap kakayanin niya. Para sa anak niyang hindi man lang niya nakilala ang ama.