Chapter 1

2048 Words
"ANONG KALOKOHAN ITO! Anong ginagawa ninyo? Steve, kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?" Sigaw ni Ria sa kanyang kasintahan. Patuloy lang siya sa pagluha. Hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. Hindi niya matanggap na ganoon lang kababaw ang pagmamahal sa kanya ng lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon. Para ipagpalit siya nito sa iba. Tatlong taon na ang relasyon nila ni Steve. Ang akala niya ay naghahanda ito para isurpresa siya sa kanilang ikatlong taong anibersaryo bilang magkasintahan. Kaya nang malaman niyang nagbooked ito ng hotel ay mabilis siyang nagtungo doon. Ngunit hindi pala iyon para sa kanilang dalawa. Nagkamali siya ng inakala. Dahil heto si Steve nasa loob ng isang hotel room. Kasama ang best friend daw nito. Hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Habang gumagawa ng milagro. "Magpapaliwanag ako Ria. Mali ka ng iniisip." "Mali ng iniisip? Ayos ka talaga Steve. Huling-huli ka na nga tumatanggi ka pa. Sige panindigan mo iyang maling iniisip ko. Pero hindi ako bulag para hindi makita iyang kababuyan ninyong dalawa. At ikaw naman Rebecca." Baling niya sa babaeng best friend daw ng hinayupak na boyfriend niya. "Congratulations, nasira mo ang relasyon namin ng best friend mo kuno." "Sandali lang. Ano ba ang ikinagagalit mo Maria Angela? Steve is a man with needs. Bakit ba hindi mo maibigay sa kanya ang katawan mo? Ngayong naghanap ng ibang katawan siya pa ang sisisihin mo. As his best friend, hindi naman siguro masama kung pagbigyan ko siya sa pangangailangan niya. Total, me as his best friend, may needs din naman akong kaya niyang ibigay. So why not di ba?" Sagot ni Rebecca sa kanya na lalong nagpakulo ng dugo niya. "Magsama kayo mga baboy kayo! From now on Steve break na tayo." "Wait lang Ria!" Pigil pa nito sa kanya. "Wait for what?" "Ikaw ang gusto kong pakasalan. You love me right. Magpapakasal pa tayo di ba? Mahal na mahal kita Maria Angela Arenas Capili." Napangisi na lang siya sa katarantaduhan ng ex-boyfriend niya. "Buong pangalan ko pa talaga ha. Neknek mo! Magpakasal ka sa lelang mong panot. Hindi ako pumapatol sa kaladkarin. Lalaking prostitute. You're a man wh*re. P*kpok! Magsama kayo ng best friend mong walang curves." Inis niyang sagot at iniwan na ang dalawang parehong hubad sa loob ng kwarto ng hotel. "Pasalamat na lang sila at mabait pa ako. Ipinagsara ko pa sila ng pintuan. Kung hindi hinayaan ko na sana silang makita ng kung sino-sinong dumaraan sa hallway ng hubad." Galit na galit niyang saad habang papalabas siya sa hotel na iyon. Hindi na napigilan ni Ria ang maiyak. Sa loob ng tatlong taon ay ibinuhos niya ang buong pagmamahal kay Steve. Ngunit sa bandang huli niloko lang siya nito. Ang masaklap lang, napakababaw ng dahilan nito. Dahil lang sa hindi niya kayang sumiping dito ay nagawa na nitong lokohin siya. Bagay na hindi niya matanggap ngayon sa sarili niya. Habang nag-iisa at hindi malaman ang gagawin ay naisipan ni Ria na tumambay sa isang hotel. Sa totoo lang, sa tulad niya ay malaki na ang perang dala niya sa araw na iyon. Ahente siya ng bahay at lupa na may masungit na boss. Dahil nakapagclose siya ng isang deal sa isang bigating kliyente, binigyan siya ng malaking kumisyon ng boss niya. Gagamitin sana niya ang pera para sana sa third anniversary nila ng boyfriend niya. Kaya lang heto siya, mag-isang umiinom dahil ang boyfriend niya kanina, ex-boyfriend na niya ngayon. Habang lumalalim ang gabi ay naisipan ni Ria na maglakad-lakad. May hotel room na rin naman siya. Kahit sabihing iyon ang pinakamurang kwarto ng mamahaling hotel ma iyon. Ay masasabi niyang guest na rin siya sa hotel na iyon. Hanggang sa may nadaanan siyang isang party. Bukas ang pinakapintuan ng event hall at mukhang wala namang kung sino man ang pipigil sa kanya papasok. Kaya naman nakituloy na siya. May lumapit kaagad sa kanyang waiter para igaya siya sa isang bakanteng table. "Wine ma'am? alok ng waiter na ikinatango niya. Binigyan siya nito ng wine at pick-a-pick-a, bago ito nagpaalam sa kanya. "Grabe mukhang mayaman ang may pa-event. Ham, salami, green grapes, cube cheese na iba't ibang klase, at kung anu-ano pa. Tuwing may tira-tira lang iyong boss kong sobrang sungit, pag may pa meeting siya sa client niya. Doon lang ako nakakatikim ng ganito." Maya-maya pa muling lumapit sa kanya ang waiter at dinalahan naman siya ng pasta. "It is Pesto Alfredo ma'am and Lemonade. Kung may gusto pa po kayo, tawagin lang po ninyo ako. Ayaw na ayaw po ng soon to be groom na magugutom ang mga bisita po nila. Kaya po enjoy your meal ma'am." Napatango na lang siya at nagpasalamat sa waiter. "Mukhang engagement party pala itong napuntahan ko. Sana naman ay maging masaya ang pagsasama nila ng mapapangasawa niya. Bukod sa mabubusog ako nito, ay makakalibre pa ako ng alak ngayon. Kahit papaano ay makakalimutan ko ang lintik na Steve na iyon. Hayup na iyon!" Usal niya, bago niya inisang lagok ang wine sa baso. SAMANTALA, hindi na mapakali si Fabio sa labis na pag-aalala kay Alison. Dalawang oras ng late sa mismong oras ng engagement nila ang mapapangasawa. Ilang beses na rin niya itong tinawagan ngunit hindi ito sumasagot. Hanggang sa makatanggap siya ng balita mula sa mga magulang ng dalaga na wala na sa bansa si Alison. Nagtungo sa ibang bansa ang dalaga, para tuparin ang pangarap nitong maging isang fashion designer. "Tita, Tito, I love her. Hindi naman ako magiging hadlang kung iyon ang gusto niya. Pero bakit kung kailan engagement namin saka naman siya umalis?" "I'm sorry hijo. Hindi rin namin alam. Ang akala namin ay on the way na si Alison. Pinauna lang niya kami patungo dito. Pero hindi ko alam na may plano pala siyang ituloy ang pag-alis niya," sagot pa ng mommy ni Alison na lalong ipinagdamdam niya. "Alam po ninyo ang plano niya?" Hindi niya napigilang tanong. "We're so sorry hijo. Alam namin, pero akala namin ng Tita mo ay hindi niya itutuloy. Dahil alam naming mahal na mahal ka ng anak namin. Kaya lang, noong nalaman niya na isa sa requirements sa fashion school kung saan siya natanggap ay single. Hindi namin akalain na ililihim ni Alison ang pag-alis niya." Hindi niya alam ang sasabihin. Wala rin siyang maisagot sa mga magulang ni Alison. Labis siyang nasasaktan sa biglaang desisyon ng kasintahan. Hanggang sa makatanggap siya ng isang mensahe mula dito. Nakikipaghiwalay na ito sa kanya. Dahil hindi nito kayang mawala ang opportunity, para maging isang fashion designer ito. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Mahal na mahal niya ang kasintahan. Hahayaan naman niyang abutin nito ang pangarap nito at hindi siya magiging hadlang. Ngunit hindi niya akalaing kaya siyang ipagpalit ni Alison para sa pangarap nito. Habang lumalalim ang gabi ay unti-unti na ring nauubos ang tao sa function hall kung saan dapat sana ay gaganapin ang engagement nila ng babaeng pakakasalan niya. Kahit ang mga magulang niya ay hinayaan na lang din siyang mapag-isa. Napakunot noo pa siya ng sa hindi kalayuan mula sa pwesto niya ay may nakita siyang isang babae na tuloy-tuloy lang sa pag-inom ng alak. Kung tutuusin ay pati mga waiter kanina ay wala na rin doon. Lahat ng bisita niya ay umalis na. Siya na lang at ang babaeng nakikita niya ngayon ang naroroon. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa para lapitan ito. Lalo na at hindi niya kilala kung sino ito. "May I know you?" Nagulat pa ang babae ng makalapit siya. Parang lasing na lasing na ito base sa itsura nitong namumungay na ang mga mata. Ngunit sa kabila ng kalasingan nito, ay kitang-kita niya kung gaano kaganda ang babae. Na kinababagayan ng aalon-alon ngunit maikli nitong buhok. Biglang nagregudon ang puso niya. Kahit kay Alison ay hindi niya naramdaman ang nararamdaman niya ngayon sa babaeng kaharap. "Hi," sagot sa kanya ng babae ng mapansin niyang umiiyak ito. Nakaramdam siya ng habag. Parang siya ang nasasaktan ng mapansin niya ang mga luha nito. Kahit siya ay naguguluhan sa unang pagkakita pa lang niya sa babae ay parang kakaiba na ito. Ngunit iniisip na lang niyang baka dahil sa lasing na rin siya, kaya ganito ang pakiramdam niya. "Bakit ganyan kayong mga lalaki? Hindi ba talaga kayo marunong makontento? Ibinigay ko naman ng buo ang pagmamahal ko sa kanya. Pero anong ginawa niya, third year anniversary namin ngayon, tapos mahuhuli ko lang siyang may ka s*x na iba," wika pa ng babae sa kanya, habang patuloy lang ito sa pag-inom ng alak. "Hindi lahat ng lalaki kasing gago niyang boyfriend mo." "Ex-boyfriend." "Okay ex-boyfriend. Hindi lahat katulad ng ex-boyfriend mo. Dahil ako, engagement party dapat namin ngayon ng fiancée ko. Pero heto iniwan niya ako, at ipinagpalit ako sa career niya. Ganyan ba kayong mga babae? Mas inuuna ang career kahit mayroon kayong nasasaktan?" tanong ni Fabio, sabay inom ng alak na kanina pa niya hawak. Muli ay tinitigan niya ang babae. Hindi talaga niya ito kilala, ngunit sa tingin niya ay mas maganda pa ito sa ex-fiancée niya. "Alak pa," wika ng babae, at inagaw pa ang bote ng alak na hawak niya. "Teka nga. Sino ka ba? Hindi naman kita kilala? Bakit ka narito?" "Ako? Hindi mo kilala? My name is Ria. Si Ria na iniwan ng boyfriend niya. At kaya ako narito? Hindi ko alam. Lasing na ako kanina nang mapadaan ako sa bukas na pintuan. Tapos binigyan ako ng waiter ng pagkain at alak. Ayaw daw ng soon to be groom na magugutom ang mga bisita nito. Kaya nagpapasalamat ako sa groom at napasaya niya ako. Nakalibre ako ng pagkain na ngayon ko lang natikman. Ang sarap ng handa nila. Dahil simpleng tao lang ako, labis akong natutuwa sa nakahayin na pagkain sa harapan ko. Kung sino man ang groom. Salamat sa kanya. Nakakain ako nito." Sabay turo ng babaeng nagngangalang Ria sa mga pagkaing nasa lamesa. Mukhang marami na talaga itong nakain. Lalo na ang nainom na alak. Napangiti naman si Fabio sa babaeng nagngangalang Ria. Simple lang ito, ngunit masasabi niyang napakaganda. Hanggang sa hindi na niya namalayan na, hindi na lang pala niya ito basta tinititigan. Dahil ngayon ay mariin na niya itong hinahalikan. Akala ni Fabio ay itutulak siya ni Ria, ngunit sa halip na gawin iyon ay tinugon nito ang halik niya. Namalayan na lang niyang, tumayo siya habang pasaklang na binubuhat si Ria at mabilis niyang tinungo ang elevator para marating ang hotel room na laan para sa kanila sana ng ex-fiancée niya. Pagkapasok nila ng kanyang silid ay mabilis niyang inalis ang damit ng dalagang kahalikan niya. Siya man ay tinulungan nitong alisin ang suot niya. Mabilis at nagmamadali hanggang sa makarating sila sa kama. "Are you sure with this?" tanong niya habang hindi bumibitaw sa paghahalikan nilang dalawa. "Yes! Kaysa naman doon sa ex-boyfriend kong parang prostitute," sagot nitong ikinangiti niya. Hanggang sa maihanda niya ang katawan ng babaeng kaulayaw. Nagulat siya ng ipasok niya ang kanya sa kaselanan nito. Kasunod ng pagsigaw ng babae ay ang biglaan nitong pag-iyak. "You're a virgin!" Gulat niyang bulalas. "Malamang. Bakit hindi ka man lang nagbabala!?" Reklamo nito sa kanya na ikinangiti niya. Hindi niya alam, pero masaya talaga siyang malaman na siya ang unang karanasan ng babaeng kasiping niya ngayon. "You said you have a boyfriend in three years." "Sabi ko may nakarelasyon akong gago ng tatlong taon. Hindi ko sinabing nakipagtusukan ako sa kanya sa loob ng tatlong taon!" asik ni Ria na mas lalong nagpangiti sa kanya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I'll be gentle." "Dapat lang!" sagot pa nito sa mataray na tinig. Hindi na niya pinatulan pa ang pagtataray ni Ria. Ginawa na lang ni Fabio ang lahat para maging komportable ang dalaga sa kanya at maging memorable dito ang unang karanasan nito. Hanggang sa hindi na nila napigilan at sabay nilang narating ang rurok. Humihingal na ibinagsak ni Fabio ang katawan sa ibabaw ni Ria. Hinalikan pa niya ang dalaga sa labi bago siya umayos ng pagkakahiga sa tabi nito at kinumutan pa niya ang mga hubad nilang katawan. "I'm Fabio Achilles Sandoval," aniya. Nakalimutan na kasi niyang magpakilala sa dalaga kanina. Ngunit mukhang hindi na iyon narinig ng babaeng kasiping niya. Dahil sa mga oras na iyon. Pikit na ito at naghihilik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD