Matapos kong makausap si Domingo sa tawag ay nagpunta na ako agad sa sementeryo kung saan nila inilibing ang katawan ko. Awkward because I’m still here. Kaya nga hindi ko dinalaw o tiningnan ni minsan ang katawan ko mula noong magising ako bilang si Moymoy. But I must do this to tell Domingo the truth. Nalaman ko na lahat-lahat ng mga ginawang kalokohan ni Salvador. Thanks to the recording pen I’ve put in the shelf. I’m disappointed with him because I trusted him. Sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ay kasama ko siya. Itinuring ko siyang pamilya dahil wala siyang kinilalang kapatid. Pero hindi ko alam na nagpapakain na pala ako ng demonyo. Hindi malayo ang sementeryong pinaglibingan nila sa akin kaya mabilis lang din akong nakapunta roon. Isa iyong exclusive cemetery kaya hindi pa ako

