Matapos naming mag-usap ni Domingo ay nagpalipas pa ako ng oras sa sementeryo. Hapon na noong umalis ako roon. Sumakay ako sa jeep pero hindi ko alam kung saan ako bababa. Kanina ko pa iniisip ang sinasabi ni Domingo sa akin. Wala akong alam dahil hindi ko naman maalala ang nakaraan ni Moymoy. I wish I knew so I can understand why Domingo is saying those things. Gusto kong magalit sa kanya dahil nakilala na niya ako pero sa isang salita lang ni Salvador ay naniwala na siya agad dito. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Kung ano man ang sinabi ni Salvador ay mukhang mabigat iyon. Naikuyom ko ang aking palad. I’m really disappointed at you now, Salvador. Ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa niya iyon sa akin. Kung nalaman ko lang sana ay hindi na sana ito nangyari pa. Masyado akong

