Third person’s point of view. Eighteen years ago. “What?!” Napatayo si Dante mula sa kanyang swivel chair. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa sekretarya niyang kapapasok lang sa meeting area. “A-A fire broke out in the Pabahay, sir.” Naikuyom ni Dante ang kanyang mga palad. Kasalukuyan silang nagme-meeting tungkol sa sunod nilang bubuksan na negosyo noong nagmamadaling pumasok sa loob ang kanyang sekretarya. Natahimik ang buong silid at napatungo. “May mga namatay raw po.” Napapikit na si Dante. Tumayo siya nang maayos at naglakad papunta sa pinto. Hindi niya makakayang manahimik lang sa nangyari. Mga trabahante nila ang nakatira sa pabahay. Kaya amo nila ay dapat lang na andoon siya. Ngunit bago pa man siya makalabas ay hinabol siya ng kanyang kaibigan at kanang k

