Bahagya kong winisikan ang buhok ko noong matapos ko iyong gupitan. Pinutol ko ang mahabang buhok ni Moymoy at sinubukang paiksiin iyon na parang sa mga pulis. Kung kailangan kong mabuhay bilang si Nehemiah Toress. Then I will live my life as Dante Benitez, and no one dares to touch him. Kung ano man ang atraso ni Moymoy sa mga lalakeng iyon ay dapat maayos ko. I need to live a normal life. If I’m okay now, I might go to my sister. But I’m thinking twice because I’m different. And for what they know, I’m already dead. Sigurado naman ako na masaya sila sa mga na iwan ko ngayon. At ang kompanya ay nasa pamangkin ko na. Huminga ako nang malalim at inayos pa ang aking buhok. Pagkatapos ko ay napatitig ako bago kong mukha. Bagay pala sa kanya ang clean cut, eh? Hindi ko alam kung bakit pinapa

