Halos bumaliktad na ang sikmura ko sa kakasuka. Na ilabas ko na ata lahat ng kinain namin kanina. Halos manginig na nga ang buong katawan ko dahil sa amoy. Nasa gilid kami ng bundok ng mga basura. Hindi ko maunawaan kung ano ang na aamoy ko. Pero lahat ng iyon ay hindi tinatanggap ng sikmura ko. “Arte! Pati ang tiyan mo nakalimot?” natatawang sabi ni Gibo. Pinunasan ko ang labi ko at tiningnan siya nang masama. “You… do you think this is funny?!” singhal ko sa kanya. Hindi pa rin tumigil si Gibo kakatawa kaya lalong nag-init ang ulo ko. Ang sabi niya kasi kanina ay sa kalsada kami maghahanap ng mga kalakal. Sumang-ayon naman si nanay Meding dahil kailangan na rin daw namin ng pera. Kung alam ko lang na dito niya ako dadalhin ay hindi na sana ako sumama. I turned my back to him and star

