Maaga pa lang ay pumunta na ako kila Jamaica. Halos baliktarin ko na kasi ang cabinet ni Moymoy pero wala akong mahanap na maayos na damit. Mayroon naman siyang maayos na mga t-shirt. Pero ang mga pantalon niya ay puros may tastas. “Saan ka nga ulit pupunta?” nagtatakang tanong ni Jamaica. Kakatapos pa lang nito magbihis ng uniporme. Mayroon pa ngang nakatakip sa ulo nito na tuwalya. Pinapanood ko lang siya habang nakaupo sa mahabang sofa habang nagsisipilyo sa lababo nila. “Maghahanap ng trabaho,” puno ng kompyansang sabi ko. Bahagya akong napailing. If I am just in my own life, I don’t have to do this. Napaigtad ako noong bigla itong bumuga ng tubig. Puno ng pagtataka ang mukha niya noong lumingon siya sa akin. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Maghahanap ka ng trabaho?”

