Wala akong nagawa kundi ang umuwe sa bahay dala ang pagkain na binigay ni Shanang. Tinatanong ko si Jamaica kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nila noong mabanggit ko ang mga Benitez. I can’t help but think that something is not right. Bakit parang galit na galit sila sa amin? “Oh, apo. Saan ka galing?” tanong ni nanay Meding. Inilapag ko ang dala kong ulam sa lamesa at lumingon sa kanya. “Kila ate Shanang po. Manghihiram sana ako ng masusuot ko para mag-apply ng trabaho,” tugon ko. “Binigyan niya tayo ng ulam.” “Aray!” angal niya habang papatayo. Ganito ang senaryo naming araw-araw. Sa tuwing tatayo siya mula sa papag ay nakakapit na ito sa balakang dahil nahihirapang maglakad. “Trabaho? Saan ka naman magtatrabaho?” tanong niya muli noong makalapit na siya sa akin. Inangat ni na

