Kahit kalian talaga ay ipinapahamak ako ni Gibo. Wala na akong nagawa noong dinala niya ako sa isang karenderya. Punong-puno ng mga tao roon at mukhang malakas sa mga tao. Sa may pinto niyon ay may nakapaskil na notice. Nakaimprinta iyon sa puting bond paper. “Dishwasher?” “Hindi ko alam. Wan. Ted. ‘Di ba trabaho ‘yon?” balik-tanong ni Gibo. Pakiramdam ko ay biglang lumaki ang ulo ko sa inis kay Gibo. Kailangan ko ng trabaho, oo. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magiging dishwasher ako. Marunong ako maghugas ng mga plato pero hindi sa isang karenderya. Sasabihin ko na sanang umalis na kami pero biglang may lumabas na matandang ale. “Maga-apply ba kayo?” Iiling sana ako pero bigla akong hinila ni Gibo at tinulak sa harap ng ale. “Opo, ‘te! Papasok siya!” Pinandilatan ko s

