“Can you explain to me what happened?” tanong ko kay Domingo. Nakaupo ako sa harap ng mini bar niya at pinapanood siyang magtimpla ng alak. Isa ito sa mga hobby niya. Pinagsabay niya pa noong ang pagba-bartending at pag-aaral ng business management. But he never practices bartending, he only does it for his leisure. “Bakit hindi ikaw ang naging CEO?” tanong ko muli. Nasa bahay na kami ni Domingo. Matapos ang meeting niya ay umalis na kami agad sa company para makapag-usap. Marami raw siyang gustong itanong sa akin. Ako rin naman. Bumuntonghininga si Domingo at sandaling tumingin sa akin. “I don’t know. Everything went too fast.” Nagsalin siya ng alak sa basaging baso at inilapag sa harapan ko. “Tito, decided about everything.” Umarko ang kilay ko. “What do you mean?” Kinuha ko ang al

