I can say, hindi lang para sa mga simpleng tao ang party na ito. May mga nakikita akong kilalang mga tao. I can even see some influential personalities here. Tumigil kami sa isang malaking bahay. It’s a modern mansion to be exact. Hindi ko dala ang bag na inabot sa akin ni Red kanina at iniwan lang naming sa sasakyan. He is now talking with someone, and I am at one of the tables in the last row. Observing everyone. Hindi pa rin pinaliwanag ni Red kung bakit ako nandito. Pero sa tingin ko ay dahil pa rin iyon sa negosyo niya. I need to know whose family he is talking about. Makalipas ang ilang sandali ay lumapit ulit sa akin si Red. May hawak siyang wine glass at bahagya nang namumula ang mukha. “How’s the party?” Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko naman na i-enjoy, ano ang sasabihin k

