My days pass just like that. Hindi ako lumabas sa bahay nila Moymoy kahit na wala naman akong mapaglilibangan dito bukod sa mga lumang komiks na nakatago sa gamit ng binata. Yes, their house is just beside Jamaica’s house. Pero ang sa kanila ay wala manlang sa kalahati ng bahay nila Jamaica. Gawa lang din sa plywood at nabubulok na yero. But at least, I have my own space here. Walang division ang bahay maliban sa mga telang nakapalibot sa maliit kong papag. Medyo masakit nga sa likod dahil hindi na ako sanay sa ganitong higaan. Nasa pinaka dulo ng bahay ang pwesto ko. Kung ang kila Jamaica ay maliit at pahaba, ganoon din ang sa bahay na ito. Pero mas
Hindi ako lumabas ng bahay noong mga panahon na iyon. Saan naman ako pupunta? Hindi ko alam kung na saan ako. Madalas ay dinadalhan lang kami ng pagkain nila Jamaica. Mayroon naman kaming kuryente dahil nakikisaksak pala kami sa mga ito. Maging ang tubig. I can’t think how close this child to Jamaica’s family. Pero kung ituring sila Moymoy ay parang pamilya na. Mula noong nasa hospital ako ay hindi ko naramdaman na iba ako kay Jamaica. Sadyang may pagkamasungit lang siya minsan.
“Apo, pwede ka bang bumili ng sabon panglaba?”
Napatingin ako sa maliit naming sala. Nakaupo sa kahoy na upuan si nanay Meding at panay ang pagpaypay ng hawak na tela sa katawan. Nakatutok na rito ang isang electric fan na hindi umiikot pero na iinitan pa rin ito. Nanay na rin ang tinawag ko sa kanya dahil iyon naman ang tawag ni Moymoy. Sa tuwing tinatawag ko kasi itong lola ay bigla na lang tumutulo ang mga luha. Ayaw ko naman na ganoon dahil kahit hindi ko siya kilala ay para naman akong pinapatay. Kaya na isip ko na kahit ako ang nasa katawan ni Moymoy ay nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman niya.
Pero na saan na kaya siya?
“Ano po?” tanong ko.
“Bilhan mo ako ng sabon panglaba. Hindi pa ako nakapaghuhugas ng pinggan kasi wala na tayong sabon.”
Napapalatak ako. Saang lupalop naman ng lugar na ito ko bibilhin ang sabon? Ito ang unang beses na inutusan niya ako palabas. Pero wala akong magagawa kundi ang sumunod. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya. I need to find a sari-sari store. As far as I remember, doon kami bumibili noon ng lahat ng mga kailangan naming sa bahay. It’s like a grocery store but squatter area version.
“Ilan po?” tanong ko habang inaayos ang puting sando na suot ko at boxer short na parang hiniram ko kay Gibo sa sobrang luwag. Tinalian ko pa nga nang kaunti sa may baywang ko para lang kumasya sa akin.
“Isa lang.”
Pinanood ko lang siya habang dumudukot ang kulubot na nitong mga kamay sa bulsa. I couldn’t imagine myself to have the wrinkled skin. I’m fifty, yes. Pero kaya ko pa rin naman sumabay sa mga binatang artista sa pinas. Looking young is what I’m good at. Kumuha ng barya si nanay Meding mula sa bulsa nito at inabot sa akin. Apat na piso at isang limang piso. Bahagya pa akong namangha dahil ngayon na lang ako ulit nakahawak ng barya. Bago na nga ang hitsura ng mga iyon hindi kagaya noong huli akong makahawak ng barya. Ang buong limang piso ay hindi nag into ang kulay. Pilak na rin at napaka kintab.
“Hindi ko na mabibilang iyan. Alam mo namana ng mata ng nanay mo. Kung ano ang maabutan ng pera ay iyon na lang ang bilhin mo,” paalala nito.
“Sige po,” tugon ko at naglakad na palabas ng bahay.
Hindi kagaya kila Jamaica, may maliit na bakuran ang bahay namin. Sa kaliwang parte sa may kapit-bahay namin ay doon nakatambak ang isang bike na may side car. Punong puno iyon ng kalakal na mga lata at plastic. Mayroon ding mga karton. Sa kanan kung saan katabi na ng bahay ng dalaga ay ang nagsisilbi naming kusina. May luna roon na ginawang bubong at lamesang pahaba. Doon ko palaging nakikita na nagluluto si nanay Meding at naghuhugas ng mga pinggan. Doon lang din kasi sa pwesto na iyon ang nag-iisang gripo namin. Ang lutuan namin ay pinagtabing hallow blocks lang na may pabilog na bakal sa itaas. Nagdidingas pa ng kahoy si nanay Meding para lang makapagluto.
Lumabas ako sa eskinita namin at naghanap ng tindahan. Para akong artista na hindi dahil nakatitig sa akin ng mga taong nadadaanan ko. Mayroong mga bumabati pero nginingitian ko na lang. Anim na bahay pa ang nilagpasan ko sa may kalsada bago ko natunton ang isang tindahan. Malaki-laki iyon at halos hindi ko na makita ang loob dahil punong puno ng mga nakasabit na sitsirya at kung ano-ano pa ang loob nito.
“Pabili po.”
“Ano– Aba, ‘Moy! Buhay ka na nga talaga!”
Napakunot ang noo ko. Pinaningkit ko pa ang mga mata ko para makita ko ang nasa loob. Isa iyong babae na sa hula ko ay kaedad lang ni Shanang, ang mama ni Jamaica. Nakangisi ito sa akin. Halos hindi ko mai-describe ang hitsura niya dahil mayroong nakatakip na puting papel sa mukha nito. Facial mask? Wow! Alam ko iyon dahil ginagamit ko rin iyon kapag sobra akong na stress sa trabaho. Nakapuyod din ang buhok nito na medyo magulo. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Sabon po. ‘Yong panlaba.” Inilapag ko ang barya sa may hamba ng tindahan nila.
Lumabi ang ginang. “Grabe ah? Mukhang totoo nga ang chismis diyan sa labas. Wala ka raw maalala?”
Napatingin akong muli sa kanya. Hindi manlang nito pinansin ang barya na inilapag ko at nakatitig sa akin. Tumango na lang ako para sumang-ayon. Ang bilis namang lumipad ng balita.
“Sayang, edi limot mo na ang mga utang mo rito?” Sumimangot ito at kinuha ang mga barya. “Ako, ‘Moy, wala akong amnisya. Kaya tandang-tanda ko pa rin ang dalawang page mong utang. Bayaran mo ako kapag bumalik ka na sa sarili mo, ha?!”
Napakunot ang noo ko. Tama naman ito, hindi ko natatandaan ang sinasabi niya. Magsasalita sana ako pero biglang may umakbay sa akin. Mabilis akong napatingin sa kaliwa ako at sinalubong ako ng nakangising mukha ng isang lalake. Lalong nangunot ang noo ko dahil kahit nakangisi ito ay nanlilisik naman ang mga mat anito.
“Ano ka ba, ate baby? Hayaan mo muna si Moymoy.”
Kilala niya rin si Moymoy. Kailangan ko na sigurong kilalain ang bawat tao rito. Mukhang marami ang nakakikilala kay Moymoy. Napatingin ako kay Baby noong nagmura ito. Nanlalaki na ang mga mata nito habang nakatingin sa amin.
“Hoy, Joel, ha?! Tantanan mo na ‘yang si Moymoy! Kahit maraming mga utang ‘yan ay ayaw ko namang mamatay ‘yan!”
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Muli kong tiningnan ang lalakeng nakangisi pa rin sa akin. Hindi ko alam kung saan ko narinig ang pangalan niya, hindi ko matandaan. Noong mapatingin ako sa may likuran ko ay may tatlong lalake pang nakatayo roon. Lahat din ay nakangisi sa akin nang nakaloloko.
“Oh, ‘Moy. Umalis na kayo rito! H’wag kayo sa harap ng tindahan ko magtirahan! Umayos ka talaga, Joel, ha?!”
Lalo akong nagtaka. Bumilis din lalo ang pagtibok ng puso ko at nakaramdam ako ng takot. Wait, did she just say Joel?
“Ano ka ba, ate Baby? Masyado ka namang nerbyosa e kinakamusta ko lang ang kaibigan namin. Tsaka, nabuhay naman siya e. Mukhang ready na ulit makipaglaro sa amin.” Humigpit ang kapit nito sa balikat ko. “’Di ba, ‘Moy?”
I just remember what Jamaica have told me. Kapag makita mo sila Joel ay h’wag mo na lang pansinin.
Sh!t. And I think he is the Joel that she is talking about. At least based on how Moymoy’s body reacts.