“Para po, kuya!” malakas na sabi ni Jamaica.
Pumara ang sinasakyan naming traysikel sa tapat ng isang makipot at madilim na eskinita. Kanina ko pa pinapanood ang dinadaanan naming kalsada. I remember this kind of place. We used to live in this kind of neighborhood. I smirked, hindi ko inakala na babalik ako sa ganitong lugar. Madilim, magulo–
“Hoy! Ano pa ba ang ginagawa mo riyan? Halika na!”
Napaigtad ako noong biglang hampasin ni Jamaica ang braso ko. Doon ko lang namalayan na ako na lang pala ang nasa loob ng traysikel. Nagmamadali na akong bumaba at agad na bumungad sa akin ang nakasusulasok na amoy. Nagpigil ako ng hininga at sinubukang h’wag sumuka. Ngunit hindi ko magawa kasi parang bumaliktad ang sikmura ko. Pinilit kong sumuka ngunit walang lumalabas sa akin dahil wala pa akong hapunan.
“What the h3ll is that smell?!” hinihingal na tanong ko kay Jamaica. Para iyong nabubulok na karne at panis na pagkain. Hindi ko na maipaliwanag ang amoy basta nakakasulasok!
“Grabe talaga!” natatawang sabi ni Jamaica imbes na sagutin ang tanong ko. Pinukol ko siya ng masamang tingin. “Pati naman lugar natin nakalimutan mo talaga? Dito tayo lumaki! Kumakain tayo na nalalanghap ‘yang amoy na ‘yan.”
Tumayo ako nang maayos at hinarap siya. “What was that smell?” tanong ko ulit.
“Aba! Buhay ka pa pala, Moymoy!”
Nawala ang atensyon ko kay Jamaica at napunta sa boses na tumawag sa pangalan ko– I mean, nitong batang ‘to. Lumingon ako sa likuran ko at may nakita akong papalapit sa aming binata. Higit na malaki ang katawan nito sa akin pero hindi naman ito mataba. Mas matangkad din ako sa kanya dahil nakatungo na ako noong makalapit ito sa akin. Napaatras ako agad noong tinapik niya ang kanang braso ko.
“Kumusta ang bagong buhay mo, ‘tol?”
“Naku, Gibo. Ang lakas mo talaga makaamoy, ‘no?” umiiling-iling na sabi ni Jamaica.
Tumawa nang malakas iyong Gibo. “Syempre! Ako pa!” Kinuha nito ang bag na dala namin. “Halika na at ako ay gutom na!” Naglakad na ito papasok sa eskinita.
“Sino ‘yon?” tanong ko kay Jamaica noong hindi na naming nakita si Gibo.
Lumapit sa akin si Jamaica. “Si Gabrielle ‘yon. Gibo kung tawagin natin. Kaibigan at kababata mo rin.”
Napakunot ang ano ko. Hindi ko maalala ang binatang iyon. Napabuntonghininga ako dahil pakiramdam ko gusto ko na lang ulit ma-ospital. Na pinagsisihan ko lang dahil nasinghot ko na naman ‘yong mabahong amoy. Sinapo ko ang ilong at tiyan ko noong maramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Tumawa si Jamaica at bahagyang hinampas ang braso ko.
“Halika na! ‘Yong dumpsite sa likod ‘yong na aamoy mo. Umulan kasi kagabi kaya nangangamoy na naman. Pero wala na ‘yan sa bahay. Halika na,” nakangiting sabi nito at naglakad na rin papasok sa loob ng eskinita.
Seriously? Nakatira kami malapit sa dumpsite, and I clearly know what it is. Tambakan ng mga basura. Napailing na lang ako at sumunod na kay Jamaica. Tama ang sinabi nito, medyo nawawala nga ang amoy noong pumasok na kami sa eskinita. Pinilit kong kumalma kahit pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Bigla kasi ako nakaramdam ng kaba at init ng katawan. Hindi ko na lang iyon ng pinansin at pinagmasdan ang mga bahay na nadadaanan namin.
Taliwas sa inaakala ko ay maayos ang mga bahay rito. ‘Yong iba nga ay mga gawa sa bato at hindi plywood. This is what they call squatter area. I never expected that I will come back to this kind of place. Oo, bago ako maging bilyonaryo ay tumira rin kasi sa ganitong lugar. At sobrang mahirap kaya pinilit kong magpursige sa buhay para makaahon kami. I sighed; I can get away from this for sure. Kung ano man ang nangyayari ngayon ay matatapos din ito.
Tumigil kami sa paglalakad noong nasa may pinakadulong bahay na kami. Mayroon iyong dalawang palapag at walang bakuran. Binuksan ni Jamaica ang pinto na gawa sa bakal, na nagsisilbi palang gate nila dahil mayroon maliit na beranda. May narinig kami agad na nagtatawanan mula sa loob.
“Pasok,” ani Jamaica pagkabukas ng gate.
Lumunok muna ako ng laway at huminga nang malalim bago sumunod. Para akong sasabak sa isang patilmpalak at haharap sa mga taong hindi ko naman mga kilala.
“Moy!”
“Kuya Moymoy!”
Iyon agad ang narinig ko pagkapasok ko sa loob. May lumapit sa aking isang babae na kamukha ni Jamaica, sa tingin ko ay kaedad ko siya. May isa ring dalagita na kamukha rin ng kaunti ni Jamaica, at si Gibo na may hawak nang plato na puno ng pagkain. Yayakapin sana ako noong babae na kamukhang kamukha ni Jamaica ngunit napaatras ako. Nagtatakang tiningnan ko silang lahat. Natigil din sila at nalilitong tumingin sa akin.
“Ma!” Tiningnan ni Jamaica nang makahulugan ang babaeng kamukha niya. Base sa tawag niya rito ay ito ang nanay niya. Kaya pala sila magkamukha.
“Ano?”
Hindi sumagot si Jamaica, bagkus ay tiningnan lang nang makahulugan ang nanay niya. Ako naman ay nagtatakang tumingin lang sa kanila at naghintay sa mangyayari. Lahat sila ay nakangiti sa akin pero nag-aalinlangan. Hanggang sa mayroong lumabas na isang matandang babae mula sa loob ng bahay nila. Maliit lamang ito at mabagal na maglakad. Bigla akong nakaramdam ng excitement at kapanatagan noong makita ko siya.
“Moymoy,” naluluhang tawag nito sa akin. Napatingin ako kay Jamaica. Ngumiti lang ito sa akin at tumango.
“Siya si lola Meding, ‘Moy.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Muli akong tumingin sa matanda na malapit na pala sa akin. Kaya siguro bigla akong natuwa noong makita ko siya ay lola ito ni Moymoy. Noong makalapit sa akin ang matanda ay agad itong yumakap sa akin. Nag-alangan ako noong una dahil wala talaga akong ideya kung sino siya. Pero para bang nakakikilala ang katawan ni Moymoy. Kusang yumakap ang mga braso ko rito. Nangilid din ang mga luha ko dahil humahagulhol na ang matanda sa akin.
“Salamat sa Diyos at buhay ka pa! Panginoon! Salamat po!” anito habang humahagulhol. Napangiwi ako noong bahagya pa itong lumundag.
“Pero, ‘la. Hindi ka po niya na aalala,” paalala ni Jessa.
Umiling-iling si Lola Meding at umayos ng tayo. “Alam ko. Pero masaya ako na nakabalik ka na,Moymoy,” umiiyak pa rin na sabi nito.
Pinilit kong ngumiti. “Salamat.”
“Hala! Wala nga ata talagang maalala si kuya. Pwede pala ‘yon?” tanong ng dalagita habang nakatitig sa akin. Ang hitsura nito ay para bang manghang-mangha pa. “Akala ko sa mga palabas lang ‘yon.”
“Hay, naku it mabuti pang kumain na muna tayo bago natin intrigahin si Moymoy,” sabi ng mama ni Jamaica. Na sinakayunan naman ng lahat.
Inalalayan ko si lola Meding papasok sa loob ng bahay. Maliit lang ang bahay nila Jamaica, pero masasabi ko na maganda iyon at malinis. Dalawa ang palapag ng kanilang bahay at tiles ang sahig. Lihim akong napangiti sa aking isipan. Noong bata ako ay kapag ganito ay bahay ng kapit-bahay namin ay matatawag na naming may pera. Brings back the memories. Studio type ang bahay nila kaya kita ko agad ang malinis nilang kusina mula sa kinauupuan naming. Siguro kung susukatin gamit ang haba ng dalawang braso ng isang lalake ay aabot lang ng dalawa’t kalahati ang lapad. Pero mahaba naman ang bahay kahit na maliit. Pagitan ng kusina at sala ang maliit na kahoy na hagdan. Doon ay mayroong nakasabit na mga picture frame sa gilid.
Tinuro ni Jamaica ang mahabang upuan sa may tabi ng bintana paharap ng kusina. Nakita ko agad lamesa na may mga nakahaing pagkain. Agad na kumalam ang tiyan ko noong maamoy ko iyon.
“Kumusta ang pakiramdam mo, ‘Moy?”
Napatingin ako sa matandang katabi ko. Kahit na naniningkit na ang mga mat anito at marami na ring kulubot sa mukha ay kita ko pa rin ang pagkahawig nito kay Moymoy. Nasaan kaya ang magulang niya? Bakit ang lola lang nito na napakahina na ang kasama niya.
Tumango ako at pinilit kong ngumiti. “I- Ayos lang ako, lola.”
Lalong nangulubot ang noo nito. Ilang sandali lang ay bigla itong humagulhol. Nanlaki ang mga mata ko at nagtatakang tiningnan ito.
“K-Kasalanan ko ‘to! Kung hindi sana ako nagkasakit ay hindi ka sasama sa mga taong iyon. Hindi na sana ito mangyayari sa ‘yo. Patawarin moa ko, apo. Patawarin mo ang lola!”
Naiawang ko ang aking bibig. Nagtatanong na tiningnan ko si Jamaica na nasa nakatingin din sa amin. Ngumiwi siya sa akin at sumenyas na ayos lang.
“’Moy, nanay kasi ang tawag mo kay lola Meding. Kami lang ang natawag sa kanya ng lola,” paliwanag ni Jamaica.
“Kawawa ka naman talaga, ‘moy. Ako? Hindi mo ba ako nakikilala?” tanong ng mama ni Jamaica.
Nagtaas ng kamay ang dalagitang sumalubong din sa amin kanina. “Ako, kuya?”
“Kaya pala parang nagulat ka sa akin kanina, ‘Moy. Hindi mo pala ako nakikilala,” ani Gibo na punong-puno ng pagkain ang bibig.
“Yes. Hindi niya kayo kilala sa ngayon,” ani Jamaica. “Pero h’wag kayong mag-alala. Babalik din siya sa dati sabi ng doctor.”
“Eh bakit siya nagkaganyan? Nasaksak lang naman siya eh.”
Pinandilatan ni Jamaica si Gibo. “Ikaw talaga! May amnesia si Moymoy. At bakit ba kumakain ka na? Inunahan mo na talaga kami, ‘no?”
Napakamot sa ulo si Gibo na nakaupo sa sahig sa may pinto. “Ang tagal niyo kasi. Hindi pa ako kumakain eh.”
Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal ko silang hindi nakita. Hindi ko sila kilala ngunit ramdam ko na miss ko sila. Muli akong napatingin sa lola ni Moymoy. Naiyak pa rin ito kaya inakbayan ko na lamang siya at bahagyang hinagod ang likod.
“Sorry, apo.”
“Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. Kung ano man ang ginawa ni Moymoy ay sigurado akong masaya siya dahil natulungan ka niya,” pagpapalubag ko ng loob niya. Napabuntonghininga ako. Mukhang kailangan kong matutunang mamuhay kung paano mabuhay si Moymoy.
I work myself to death just to have a better life, but here I am. Back to the life I once escaped.