VI

1459 Words
“There!” Kakampayan ko sana ang taxi na papalapit sa amin pero mabilis na hinila ni Jamaica ang kamay ko. “Ano’ng ginagawa mo?!” nanlalaki ang mga mata na tanong niya sa akin. “Nagtatawag ng sasakyan natin? Kanina pa tayo nakatayo rito,” reklamo ko. Siguro ay nasa Iniikot ni Jamaica ang mga mata niya. “Hindi tayo sasakay riyan! Sa jeep!” Ilang sandali akong napatitig sa kanya. Hindi ko na matandaan ang huling beses na sumakay ako sa jeep. Since my company start growing. I always have my own car with my bodyguards. “Are you serious?” Inirapan ako niya ako. “Yes, sir! Wala pa akong sweldo, ‘no? Ano ka ba?” Muli itong humarap sa kalsada. Napabuntonghininga na lang ako. I guess, wala akong magagawa. I sighed. Para akong pupunta sa lugar na wala akong kaalam-alam. Which is true because I don’t really have any idea about where we gonna go. Pero mukha namang kilalang-kilala niya kung sino man ako ngayon. She’s the only one I can trust as of now. After twenty minutes, may pumara sa tapat namin na jeep. Halos puno na ang kabilang parte kaya halos hilain na ako ni Jamaica dahil mayroon pa kaming mga kasabay. Sa likod ng driver ako nakaupo at sa tabi ko naman si Jamaica. Napangiwi na lang ako noong maramdaman kong dikit na dikit siya sa akin. Bahagya akong umusod at hindi na sumandig para makaupo siya ng maayos. Hawak-hawak ko sa may paanan ang mga bag na dala namin. Pero mukhang mali pa ata ang ginawa ko. Biglang kumapit sa likod ko si Jamaica at dumikit pa sa akin. Napikit ako nang mariin dahil sa ayaw kong isipin kung ano ‘yong malambot na bagay ang dumidiin sa braso ko. Shi!t! Pakiramdam ko bigla ay nanigas ang buong katawan ko. Hindi naman ako ganito pero ang katawan ko– mali, ang katawan na ‘to. Wala akong asawa, oo. Dahil pinili ko iyon, pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ako nakakahawak ng mga babae. I have this one woman that I always make love. I say love because I love her, but I can’t have her. Hindi ko na namalayan ang oras habang nagbabyahe kami. Madilim na ang paligid pero nasa kalsada pa rin kami. Traffic as always. Gusto kong tanungin si Jamaica kung saan kami pupunta, but I’m worried that she will glare at me again. I really need to know her history, and this body. Halos isang oras na siguro kami nagbyahe bago ko namalayan nap umara si Jamaica. Nakalaylay na ang ulo ko sa sandalan ng upuan ng driver at malapit na makatulog noong hilain niya ang kamay ko. “Halika na!” nagmamadaling sabi niya. Naniningkit pa ang mga mata ko noong pakuba akong tumayo at naglakad palabas ng jeep. Pero noong nasa may b****a na ako ay biglang umandar ang jeep kaya nawalan ako ng balanse. “Moy!” Napakapit ako sa hawakan sa jeep at napaupo sa loob. Pakiramdam ko ay nagkalasan ang mga buto ko noong bumagsak ako. Napangiwi na lang ako at napapikit nang mariin. “Kuya, may baba pa!” sigaw ng isang pasahero. Doon ko pa lang naramdaman na mayroong mga humawak sa katawan ko para hindi ako mahulog. Sh!t! Ano bang iniisip ng driver na ‘to? Hindi ba niya nakita na may bumababa pa?! Naramdaman ko ang pagtigil ng jeep kaya tumayo na ako. ‘Yong sakit na hindi ko na naramdaman dahil sa kung ano pa man ang nangyari sa akin ay parang bumalik. “Bilis! Andyan na ang enforcer oh! May pangbigay ka ba kapag makuha ang lisensya ko?!” sigaw ng driver. Naiawang ko ang aking bibig. Seriously?! Kasalanan ko pa ang nangyari? “Moy! Diyos ko! Halika na, dali!” Napatigin ako sa labas noong marinig ko ang boses ni Jamaica. Hindi na lang ako suamgot sa driver at bumaba na ng jeep. Gano’n ba talaga sa mga jeep? Akala mo may hinahabol. “Bakit hindi mo kasi binilisan?” pagalit na sabi ni Jamaica. Gulat na tiningnan ko siya. “What? Kasalanan ko ba na bigla siyang umandar?” nagtatakang tanong ko. Kahit na may enforcer o pulis, hindi dapat biglang umandar ang driver! Paano kung na aksidente ako, ‘di ba? Edi mas malaking problema! Imbes na mahiya ay pinandilatan lang niya ako ng mga mata. “Oo! Kung hindi ka lang talaga may sakit, Moymoy, kanina pa kita na kutosan. Halika na nga!” inis na sabi niya at tumalikod na sa akin. “Wait! Alam mo, hindi na ako natutuwa sa way ng pakikipag-usap mo sa akin. Hindi mo ba alam na mas matanda ako sa ‘yo ng ilang taon?!” I burst out. Kung kausapin niya ako ay parang kung sino lang ako. Yes, hindi ko gusto na masyado akong sinasamba ng mga empleyado ko. Pero hindi naman pupwede na ituturing nila akong kung sino lang. Tumigil sa paglalakad si Jamaica. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin. Medyo napaatras pa ako nang makita ko ang blangko niyang ekspresyon. Humakbang siya papalapit sa akin at bigla na lang akong pinalo sa ulo. “What the h3ll?!” “Kilala kita, Nehemiah Torres. Mula sa anit mo hanggang sa talampakan ay kilalang-kilala kita! Kaya h’wag mo akong sinisigawan!” Napahakbang ulit ako paatras. Nehemiah Torres? Iyon ba ang pangalan ng katawan na ‘to? Naalala kong tinawag niya rin iyon sa akin noong nasa hospital pa kami. Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin. It’s hard to forget that I’m not me now. “Ano? Tapos ka na magdrama?” tanong ulit ni Jamaica. Hindi ko pa rin siya tiningnan pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakakrus ang dalawa niyang braso sa may dibdib habang nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Tumango na lang ako para hindi na siya magalit. Ewan ko ba. I’m angry because I’m me, but this body is telling the other way. “Mabuti naman! H’wag kang mag-iinarte ng ganyan mamaya!” paalala pa nito sa akin bago muling tamalikod. Napabuntonghininga na lang ako at walang nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Bakit ba kasi ako napunta sa buhay na ‘to? Tsk! Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa mga traysikel na nakaparada. Lahat ng kulay ng mga iyon ay blue, at sa tingin ko ay sasakay na naman kami roon. Ano na nga ba ang magagawa ko? Sumakay ako sa loob ng traysikel at katabi ko na naman si Jamaica. Akala ko aalis na kami pero hindi pa rin umandar ang traysikel. “Bakit hindi pa tayo umaalis?” tanong ko kay Jamaica noong hindi na ako nakapagpigil. “Kulang pa ang pasahero.” Nangunot ang noo ko at tumingin sa maliit na bintana sa labas. May mga tao pa na naglalakad pero hindi na punta sa pwesto namin. Ang driver ay wala sa motorsiklo nito kaya kitang-kita ko ang labas. May katabi pa kaming traysikel at doon may nakasilip mula sa isa pang traysikel. Hindi ko sana ito papansinin pero napansin ko na sa akin ito nakatitig. Nakita ata nito na nakatingin na rin ako sa kanya kaya pinanlakihan ako nito ng mga mata. Bahagyang umarko ang kilay ko dahil hindi ko naman ito nakikilala. Titingnan ko pa sana siya pero mayroon nang umupo sa motor kaya umayos na ako ng upo. “Kapag pala makita mo ang dati mong mga tropa. Layuan mo na. Hindi ‘yon makatutulong sa ‘yo. Maawa ka sa lola mo.” “Tropa? You mean friends?” “Urgh! Yes!” Tumango-tango ako. Hindi ko naman kilala ang mga sinasabi niya kaya hindi na ako tumugon. Ilang sandali pa ay gumalaw na ang traysikel. Pinanood ko lang ang driver noong pinadyakan nito ang gilid ng motor. Tumunog bigla ang makina na bahagya kong ikinagulat. Wow! This is amazing! ‘Yong motorcycle ko kasi hindi na sinisipa. Mayroon lang akong pinipindot sa gitna at nabubuhay na ang makina niyon. Though, I know that this type of a motorcycle is existing. I’m just surprised that people still have it. Nag-umpisang umandar ang traysikel kaya isinandig ko na lang ang likod ko. Hindi na rin naman nagsalita si Jamaica kaya hindi ko na rin siya inabala. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong pauwe na raw kami. I’m starting to realize now that Nehamiah– the owner of this body– had a soul swap with me. Dapat ay patay na ako ngayon pero buhay pa rin dahil eto ako. But I wonder what happened to Nehemiah since my body is already dead now. Makababalik pa kaya ako sa dati? Pero ibig sabihin no’n ay mamatay ako. Will it be okay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD