At this point, pakiramdam ko gusto ko na lang talaga paglamayan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Jamaica. She is saying that I’m already dead, but I am here! My hands started to tremble. I want to shout and throw things, but my body is aching.
Tang!na!
“I am not dead!” I shouted. Agad na tumigil sa pagtawa si Jamaica at gulat na tiningnan ako.
“Hala siya. Oo, hindi ka nga patay.” Umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin. I tried to calm down myself. “Alam mo, kumain ka na nga riyan. Kailangan ko na rin umuwe kasi gumagabi na. Ako na ang bahala kay Lola Meding. Dadalhan ko siya ng pagkain.” Tumayo si Jamaica at kinuha ang ilang supot. “Kaya mo na talagang kumain, ha?”
Nag-iwas ako ng tingin at napasimangot. Pakiramdam ko biglang umurong ‘yong gutom ko dahil sa narinig ko. Sino bang matutuwa kapag sabihan kang namatay? “Wala na akong gana.”
“Kumain ka, Moy. Iinom ka mamaya ng gamot,” paalala niya pero nawalan na talaga ako ng gana. “H’wag ka na mag-inarte diyan. Kumain ka na, oh!” pamimilit pa nito.
Napabuntonghininga na lang ako at nag-umpisa nang kumain. I keep on thinking about what is happening now. Twenty twenty-one na pero nangyari pa rin ito. After awhile, Jamaica goes home. Gabi na raw at maaga pa siya bukas. Pinilit ko siyang iwanan ako ng gadget dahil kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Luckily, she let me.
When everyone was asleep. Kinuha ko na ang cellphone at nag-browse sa internet. I searched for Dante Benitez, and I was shocked in everything I saw. I’m already dead for a week now. Napahinga ako nang malalim. Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari noong gabing umuwe ako.
I was enjoying my drink when someone suddenly attacked me. Ni hindi ko manlang nakita ang mukha niya. But why I’m still here if I’m already dead? Why I’m in this body?
I need to go back to tell my family I’m still alive.
Makalipas ang tatlong araw ay pwede na akong lumabas mula sa ospital. It’s funny because I’m really in a public hospital. Kung alam lang nila kung sino ako, hindi nila ako isasama sa ibang pasyente. They will threat me as a king. I sighed, but I’m not me now.
Sa loob ng tatlong araw na pagpapalakas ko ay si Jamaica lang ang nakita kong palaging nakabantay sa akin. Siguro nga, kung sino man itong taong ‘to ay wala na talagang pamilya. The doctor also told me that I’m cleared. They still think that I have amnesia, though I’m clearly don’t have.
“Dito ka muna sa kama mo. Babalikan na lang kita mamaya pagkatapos ng shift ko,” paalala ni Jamaica habang inaayos ang mga gamit ko. “H’wag kang aalis dito, ha?”
Hindi ako sumagot. Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero nakatatayo na ako at nakalalakad. Naninibago rin ako sa katawan na meron ako. Para akong bagong tao. Well, it’s true. I’m really am. At hindi ko alam kung paano ako babalik.
“Hoy!” Tinapik ni Jamaica ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Kinunutan ko lang ito ng noo at nagtatanong na tiningnan siya. “Nakikinig ka ba sa akin?” Nakakunot din ang noo na tanong niya sa akin.
Awtomatiko akong napatango. “Yes.”
Iniikot ni Jamaica ang mga mata niya. “Tumigil ka kaka-English mo, ha? Hindi ka maiintindihan ni lola Meding.”
“What should I do? Halos araw-araw kong ginagamit ang language na ‘yon. Am I not allowed now to speak the language?” Hindi ko ugaling makipagtalo pero hindi ko mapigilan sa kanya. Nararamdaman ko na malapit siya sa akin pero hindi pwede. She looks like my daughter if I had a child! I think she’s the same age with Selina’s youngest daughter.
Bumuntonghininga si Jamaica at tiningnan lang ako ng masama. D4mn! There’s something in her eyes that even if it look sharp, I’d still want to look at it. Huminga ako ng malalim.
“Fine, I’m sorry. Hindi lang ako talaga sanay.”
“Bahala ka,” mahinang sabi ni Jamaica.
Nakasimangot na ito at halos magdugtong na kilay. Pakiramdam ko tuloy bigla ay may nagawa akong kasalanan. Naupo ako at inabot ang braso niya. Kaya nga hindi ako nag-asawa noon dahil hindi ko alam ano ang gagawin ko kapag may mga ganitong pangyayari.
“I’m sorry,” mahinang sabi ko pero pinandilatan lang ako ni Jamaica.
“H’wag mo nga akong hawakan! Ano kita, jowa? Eww!”
Napaawang ako ng bibig. What the h3ll? Women. Napailing ako at hinayaan na lamang ito. Ewan ko ba. But I always have this urge to follow her. Bumalik na lang ako sa pwesto ko at hinayaan siya.
“Aalis na ako. Hintayin mo ako rito, ha?” paalam ni Jamaica.
Hindi ko siya tiningnan pero tumango ako sa kanya. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Ayaw ko nang salubungin ang mga tingin niya. Habang tumatagal ay pakiramdam ko hindi tama. Nakahinga ako nang maluwag noong naglakad na siya palayo sa akin.
I took a deep sighed again then I decided to go to comfort room. Ayaw ko sana pumunta roon dahil sa hitsura. Napangiwi na lang ako noong nasa loob na ako. Nasapo ko agad ang ilong ko at bahagyang napaatras. Never in my wildest dream that I will enter in a public comfort room again. I’m not judging the people in middle class and E, nanggaling din ako ro’n. Siguro hindi na ako sanay. Isa pa, I worked hard to have a better life. For me and my sister’s family.
Pinilit ko na lang pigilan ang hininga ko hanggang sa makarating ako sa isang cubicle. Malinis naman ang cr pero na aamoy ko pa rin ang panghi at– I don’t even want to think about it. Nagbawas na ako ng tubig at lumapit sa lababo sa may malaking salamin. I sighed when I saw my new face again. Siguro kung ibang tao lang ako. I’ll be happy because I am young again. Sa tingin ko ay kakabente lang lalakeng ‘to.
He has a skinny type of body. Malayong malayo sa katawan ko na batak ang mga muscles. I feel weak now without it. And his hair? Hinawakan ko iyon at bahagyan sinuklay. Para akong si Palito. Mahaba ang buhok na abot hanggang sa taas ng balikat. Siguro kaunting tapik lang sa akin ay matutumba ako. Seriously? I really feel light right now. Wala na akong benda sa ulo pero may gasa pa rin. Gano’n din sa pisngi ko. Napailing na lang ako. If this is gonna be the new me. I’ll be screwed, big time.
Muli akong bumalik sa higaan namin at pilit na nagpatay ang oras. Kumusta na kaya ang company? My sister? I’m starting to miss them. If this is a Gods will, at least he should give me a reason. Bakit pa ako nabubuhay ngayon kung hindi naman sa sarili kong buhay?
I can’t think anymore.
Gabi na base sa maliit na bintana sa labas ng ward namin. Wala pa rin si Jamaica. I’m starting to get worried. But after a few minutes, she came back rushing.
“Moy! Sorry, ang dami kasing pasyente,” humahangos na sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad noong nasa dulo na siya ng kama ko.
“Upo ka muna, hija.”
Bahagya siyang nagulat pero agad ding nawala iyon sa kanyang ekspresyon. Umupo siya sa kama at itinukod patalikod ang mga kamay. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Para kasing napakarami ng ginawa niya. And they are underpaid.
“It’s okay. Magpahinga ka muna,” sabi ko ulit at bumaba sa kama. Nagkusa na akong ilabas mula sa cabinet ang mga gamit na hinanda niya kanina.
“Nasabihan ko na sila mama kanina na uuwe ka na. Baka nandoon na rin si lola sa bahay. Doon na tayo maghapunan. Gutom ka na ba?”
Umiling lang ako at hindi sumagot. Hindi ko naman kilala ang mga sinasabi niya. Sasakyan ko na lang muna sila. Pagkatapos ay babalik ako sa amin. Alam kong hindi ako makakalimutan ng kapatid ko. She almost grew up with me.
I hope everything will be okay after a while. Kung na nananaginip man ako, sana matapos na ‘to.