This can’t be! This is ridiculous!
“What is the meaning of this?!” sigaw ko ulit habang nakatitig sa repleksyon ko mula sa relos ng babaeng kanina pa kumakausap sa akin. “Who is this man?!”
Mabilis na hinila ng babae ang braso niya at tumayo sa gilid ko. Umawang ang bibig nito na para bang may gustong sabihin. Ngunit muli lang nitong inikom ang bibig at bumuntonghininga. “Oh my God. Mamaya na lang tayong mag-usap, Moymoy. Hindi pa tapos ang shift ko. Dadalhan kita ng pagkain mo at mukhang gutom na gutom ka na,” anito at tumalikod na.
“Hey, wait!”
Tumigil ang babae at muling humarap sa akin. “Tigil-tigilan mo nga kaka-English mo! Kinikilabutan ako sa ‘yo eh!” sabi nito at nagmartsa na palayo sa akin.
Na iwan akong nakanganga habang pilit na prino-proseso ang nangyayari. I clearly saw a different man from my reflection. Tumingin ako sa katabi kong pasyente. Nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.
“Minda, right?” tanong ko rito. Tumango-tango lang ito sa akin at hindi sumagot. “Do you have a mirror? Can I borrow it?”
“Ha?”
“Ahm. Salamin.” Pinuwesto ko pa ang palad ko sa mukha ko para maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Panay na rin ang paghinga ko nang malalim dahil sa nangyayari. But I need confirm it before I react. This is impossible and ridiculous. Tumango-tango ang babae at mayroong hinanap sa bag nitong nakapaton sa lamesite.
“Wala akong salamin eh.”
Seriously? Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Anything that I could use to see my reflection.”
Tumigil sa paghahanap si Minda at humarap sa akin. Nakakunot na ang noo nito at para bang nagagalit. Napataas ang kilay ko. Bakit parang lahat sila ay nagagalit sa akin?
“Teka nga, ‘toy. Kung makapag-utos ka sa akin ah! Hindi purket nagi-English ka ay tama na ‘yon!” Tumingin ito sa binatilyo na nakaupo sa kabilang gilid ng kama na hinihigaan ng asawa nito. “Anak, bigyan mo nga ‘to ng salamin at magbabanyo ako!”
Bahagya akong napangiwi. Kung malalaman lang nito kung sino ako siguradong hindi nito maiisipang magtaas ng boses sa akin. Kakamot-kamot sa ulo na tumayo ang binatilyong anak nito at lumapit sa akin. Tahimik lang nitong inabot ang hawak na cellphone. Napahinga pa muna ako nang malalim noong makita ko ang cellphone na hawak nito. Lumang modelo iyon ng android phone na kami ang naglabas. Yes, we also make phones. Kinuha ko iyon mula sa binatilyo. Huminga muna ako ulit nang malalim at bago buksan ang camera.
Sh!t! iyon lang ang nasabi ko nang makita ko ang hitsura ng isang binata sa camera. May kahabaan ang buhok nito at may balot na benda ang ulo. Ang kaliwang mat anito ay may itim na bilog. Ang bibig ay namamaga pa. Tumingin ako sa binatang nakatayo sa tabi ko at nakatunghay lang sa akin.
“W-Who is this?” tanong ko rito. Tinuro ko pa ang hawak na cellphone ko. Nangunot ang noo nito at sumilip sa cellphone.
“Ikaw?”
Napapikit ako nang mariin at na ikuyom ang palad. “This is impossible!” sigaw ko. Napaigtad pa ang binatilyo dahil sa lakas ng boses ko.
“Teka, kuya. H’wag mong itatapon ang cellphone ko. Kabibili lang ni mama sa akin ‘yan. Ibebenta na nga ulit kasi kulang na ang pera namin.”
Pinanlisikan ko ang binatilyong nakatunghay sa akin. Pero sa huli ay ibinigay ko sa kanya ang cellphone. Wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko. Pero paano nito nasasabi na ako ang nasa camera? The man in the camera is too young to be me! And it’s impossible because it’s not really me! I have a blood of a Mexican, and this man looks like a pure Filipino.
I need to know what is happening!
Pinilit kong igalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakatulog pero mukhang isa iyon sa dahilan kaya hindi ako makagalaw ngayon. I should do something instead of waiting. Pero wala rin akong nagawa dahil pakiramdam ko ay may nakadagan sa akin na napaka bigat na bagay.
Makalipas ang ilang oras ay kumalam na ang tiyan ko. I don’t know why but I have this feeling of I’m waiting for that woman to come back. Siguro kung sino man ang taong ‘to ay kilala niya ang babaeng ‘yon. This is really ridiculous. Ako ang nasa katawan na ‘to pero hindi sa akin. How does it even possible? Ang huli kong na aalala ay… F*ck. Someone murdered me. But why am I here? Kung ano man ang nangyayari ‘to ay sana nanaginip lang ako.
But I’m not.
I fell asleep thinking about what happened to me. The first thing I saw when I woke up is the face of the nurse earlier. Mayroon siyang tinatanggal mula sa paper bag na dala nito. Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng prinitong manok galing sa sikat na fast food chain sa Pinas. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang siya. Nakatagilid ito sa akin kaya hindi niya napapansin na gising na ako.
The more I look into her, the more I’m feeling something. I don’t know why. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. This is the same feeling when I closed a deal with our business partners. This is not good. Wala talaga akong maalala na nagkita na kami once in my life.
“Gising ka na pala.”
Bumalik ako sa sarili ko noong marinig ko ang boses niya. Nakatingin na pala siya sa akin at inilalapag na sa tabi ko ang pagkain na dala.
“Nahimasmasan ka na ba?” Pumikit ang mga mata nito. “Never mind. Bukas daw ay i-check-up ka pa ni Dok kung ano ang nangyari sa ‘yo. Sa ngayon ay pwede ka na raw kumain. Kaya mo ba mag-isa?”
Wow! She’s sweet! Napakunot ako. What the h3ll am I saying?
“Who are you again? I mean, what is your name?”
Natigil ito sa pagsalin ng ulam sa plato at hindi makapaniwalang tiningnan ako. “Grabe talaga ang ginawa sa ‘yo nila Joel, ‘no?” Bumuntonghininga ito at nagpatuloy sa ginagawa. “H’wag kang mag-alala. Nakakulong naman sila sa ngayon.”
“Ano ba ang nangyari?” I asked in Tagalog. Pakiramdam ko kasi ay sa bawat pagsasalita ko ng English ay nagugulat siya. Hindi ata sanay.
“Wala ka ba talagang maalala.” Bahagya itong lumapit sa akin at sinapo ang pisngi ko. Lalong nagwala ang puso ko at nanlaki ang mga mata. Marahan nitong ipiniling pakanan at kaliwa ang mukha ko. “Itong sugat mo sa ulo minor lang naman. Naalog ba ang utak mo at nakalimot ka?” Lumayo ito sa akin at pinagkrus ang dalawang braso habang mataman pa rin akong tinititigan. “Dahil siguro sa pagkakatapon sa ‘yo sa kalsada. Tsk! Makikita talaga nila ginawa nila!”
Napaawang ako ng bibig. What the h3ll is happening to me? Who is this woman? “Who are you?” I asked once again. The woman just rolled her eyes and sighed. D4mn! Why does she look beautiful?
“Hay naku, Moymoy! Kailangan mo talagang matingnan ulit ni Doc. Ako si Jamaica! Ang nag-iisang taong nagtatyaga sa ‘yo.” Lumabi siya at tinapos na ang pagsasalin ng pagkain.
Jamaica. What a beautiful name? But Moymoy?
“Am I Moymoy?”
“Kumain ka nga muna.” Inabot niya sa akin ang plato. Naigagalaw ko naman ang kamay ko at bahagya akong nakaupo kaya kinuha ko ‘yon. “Oo. Ikaw si Moymoy, pero Nehemiah talaga ang tunay mong pangalan. Wala ka ng magulang at Lola mo na lang ang kasama mo.” Kinuha nito ang upuan. “O baka hindi mo rin kilala kung sino ang lola mo?” Tumingin siya sa akin na para bang naghihintay sa sagot ko. Kaya naman ay umiling ako. She grunts. “Si lola Meding!”
I just look at her amazed. I don’t know the people she’s saying but I love listening to her. Whatever happening to me is not right. I’m really sure that she is years younger than me.
“But he is not me. I’m not Moymoy or Nehemiah. Matagal ng patay ang lola ko,” mahina kong sabi. Hindi ko kilala ang mga pangalan na sinasabi niya, o wala akong maalala? Naaawang tiningnan ako ni Jamaica.
“H’wag ka mag-alala. Kung may amnesia ka man ay sigurado ako na short-term lang ‘yan. Sana lang talaga bumalik na agad ‘yang alaala. Ang cringe kasi.”
Ako naman ang bumuntonghininga at tumingin sa pagkain na hawak ko. I don’t eat foods from fast food chains. It’s unhealthy. I have a proper diet that I am following for ten years now. Pero hindi ko maiwasang maglaway sa pagkain na nasa harapan ko. Kumalam ng sobra ang tiyan ko kaya hindi na ako nag-atubili pa. Kinuha ko ang pritong manok at kumagat doon.
I felt heaven when I tasted the food. Pakiramdam ko ay ilang taon akong hindi nakakain. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito. Hindi ko na nga siya inalok pa dahil mukha namang para sa akin lang ang pagkain.
“Pero curious ako. Kung hindi ka si Moymoy, e sino ka?”
Sandali kong nilingon si Jamaica noong nagtanong siya. Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago tumugon sa kanya. “I’m Dante. Dante Benitez,” nakangiting sabi ko. Nagunot ang noo niya.
“Dante Benitez? ‘Yong mayaman?”
Nanlaki ang mga mata ko at lalong napangiti. “Yes! Finally! Someone knows me!”
Natahimik pa ito ng ilang sandali hanggang sa tumawa ito. Iyong tawa niya ay parang nagbitaw ako ng nakatatawang joke. “Ul0l! H’wag ako.”
Agad na nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya at nagtatakang tiningnan siya. “What?”
“Kung ikaw si Dante Benitez, edi ako na si Angel Locsin!” pabirong sabi nito at tumawa nang malakas. Nagtitinginan na nga ang mga kasama naming pasyente. “Tsaka, ano ‘yon? Lumipat ang kaluluwa ni Dante sa katawan mo? Manahimik ka nga Moymoy! Tanggap ko na, na may amnesia ka. Magagamot natin ‘yan. Pero h’wag ka mag-claim ng taong patay na.”
“What? What do you mean na patay na?”
Huminga ito nang malalim at pikalma ang sarili. “Patay na si Dante Benitez, alam ko pinaglalamayan pa siya ngayon. Ilang araw na ‘yang binabalita sa TV.”