Season 2: Chapter 15

1095 Words

“Parang-awa mo na, ‘tol. Kahit ako na lang ang kuhain mo. Pakawalan mo na si Jamaica,” pakiusap ulit ni Moymoy kay Ishir habang patuloy siyang tinatali nito sa upuan. Napatingin siya kay Jamaica na walang tigil sa pag-iyak habang nakatali na rin sa kama na nasa kanyang harapan lamang. Nasa may headboard ng kama si Jamaica nakatali. Habang siya naman ay nasa isang upuan sa may paanan ng kama. Kitang-kita niya ang panginginig ng katawan nito dahil sa takot. Muli siyang tumingin kay Ishir. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa binata kaya laking gulat niya ngayon na ganito na ito. “Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay!” gigil na tugon lang sa kanya ng binata. Napaigik si Moymoy noong hinigpitan pa ni Ishir ang pagkakatali sa kanyang mga kamay patalikod sa isang upuan na may sandalan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD