Sandaling nawalan ng malay si Dante. Pagkagising niya ay agad niyang hinanap sila Moymoy ngunit wala siyang makitang tao sa silid. Pakiramdam niya ay dumoble ang bigat ng kanyang katawan kaya hindi na siya makatayo nang maayos. Nasaan na kaya sila? nag-aalalang sabi niya sa kanyang isipan. Labis siyang nag-aalala ngayon para kay Moymoy at Jamaica. Nagtataka siya kung bakit napunta ang mga ito rito lalo na si Moymoy. Bago siya mawala alam niyang may pinadala siyang bodyguards para rito. Napahinga siya nang malalim. Pinilit niyang tumingin sa itaas. Nakatali siya sa isang kadenang bakal. Imposible para sa kanya ang makaalis depende kung mayroong magbubukas ng susi niyon. Mukhang hindi ata talaga siya bubuhayin ng kaibigan. Maya-maya ay may narinig siyang mga yabag. Napatigil siya sa pagkil

