Tulog pa rin si nanay Meding noong muling bumalik si Jamaica sa bahay. Binilhan niya kami ng kape, at mainit na pandesal. Mayroon pang maliit na hiwa ng dairy crème. She never forgets us. Nagpakulo na ako ng tubig at naligo. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong papabangon na si nanay Meding. “Oh, apo. May pupuntahan ka?” tanong niya sa akin. “Opo.” Pinunasan ko ang nabasa kong buhok. Umaga pa lang kaya halos manginig na ako sa lamig. I am already wearing an oversized t-shirt and boxer shorts, but still the same. Kailangan talagang gawin ko namang masigla itong katawan ni Moymoy. “Saan?” Tumayo ito at dahan-dahang naglakad papunta sa lamesa namin. Hindi ako tumugon sa kaya at lumabas lang ng bahay. Isinalin ko ang mainit na tubig sa termos at dinala iyon sa loob ng bahay. Tinimpla ko n

