Nanlaki ang mga mata ko at naiwang ang aking bibig. Patay na ang cellphone ko pero parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Shanang. Kinuha ni Ishir si Jamaica! Kinuha ni Ishir si Jamaica! Kinuha ni Ishir si Jamaica! Naikuyom ko ang aking mga palad at hindi na napigilang lumabas ng silid. Mababakas ang pagkagulat kina Domingo at Salvador noong makita nila ako. Lalo na kay Salvador na may halo pang pagkadiri sa ekspresyon nito. “Ano’ng ginawa mo?!” sigaw ko at nanlilisik ang mga matang dinuro si Salvador. Umarko ang kilay niya at namamanhang tiningnan ako. “Ako? Are you questioning me? Siya ba ang kaibigang tinutukoy mo?” tumingin si Salvador kay Domingo. “I’m asking you!” sigaw ko ulit. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. “Look, Domingo.” Tumingin

