Third person’s point of view Inside Ishir’s car “Pakawalan mo ako, Ishir!” umiiyak na sabi ni Jamaica. Nakaupo siya sa passenger seat habang si Ishir naman ay nagmamaneho. Kanina pa siya nagmamakaawa sa binata na pakawalan siya at hindi na lamang magsusumbong sa mga pulis. Ngunit parang wala itong naririnig at nakatitig lang nang deretso sa daan. Day off niya at nanonood lang siya kasama ang kanyang mga kapatid kanina noong biglang dumating si Ishir sa bahay nila at may dalang baril. Walang awa na hinila siya ni Ishir papalabas ng bahay. Wala ring nagawa ang kanyang ina at mga kapit-bahay dahil sa baril na dala nito. Ibang-iba ang Ishir na kanyang nakikita ngayon. “Ishir!” tawag niya muli sa dating nobyo. “Shut up, Jamaica!” sigaw lang din ni Ishir. “Kung akala ni Moymoy ay mak

