Dante’s Point of View Nagmamadali na akong bumalik kay Domingo noong makuha ko ang address kay Rica. Mabuti na lang at nasa bahay pa rin siya at hindi pa nakakaalis. “I need a car,” sabi ko kay Domingo. “Pupuntahan mo sila? Saan ‘yon para masabihan ko ang mga pulis.” Umiling ako at inilahad ang aking kamay. “No. Baka mas mapahamak pa si Jamaica kapag may mga pulis na kasama!” “Tito, I can’t let you go there by yourself!” tutol ni Domingo. Huminga ako nang malalim at umiling. “No. Ayaw kong madamay ka pa. Just give me your keys and let me go.” “Tito, hindi ko pwedeng hayaan ‘yon. Paano kung mawala ka ulit?” nag-aalalang sabi ni Domingo. Pilit kong kinalma ang sarili ko at tinapik-tapik ang braso ni Domingo. “I’ll be fine. I promise.” “This woman. Do you like her?” Natigil

