Gabi na noong makarating sila Shanang sa ospital. Ipinasundo pa sila ni Domingo para hindi na sila mahirapan sa byahe. Panay ang pag-iyak nila habang nag-aabang sa tapat ng operating area. Ilang oras na kasing nasa loob si Jamaica pero hindi pa rin inilalabas. “Magiging okay naman si ate, ‘di ba, ma?” sabi ni Jessa. Magkakatabi silang mag-iina nakaupo sa waiting chair. “Syempre naman, anak. Magiging maayos siya.” Napabuntonghininga ako at nag-iwas ng tingin. Sana nga maging maayos si Jamaica. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman na ayos lang siya. As for Ishir, hindi talaga siya pinalad. Naibalita pa nga sa tv pero hindi na nabanggit pa si Jamaica. Mas maige na iyon para maging tahimik kami. Halos inabot ang walong oras ang ginawang pag-opera kay Jamaica. Lalo akong na

