Patuloy sa pagtakbo si Moymoy pabalik sa kanilang pinanggalingan. Kasabay ng kanyang pagluha ay ang panalangin na ligtas na makaalis sila Dante sa lugar na ito. Kahit hindi na siya kasama. Kahit sila na lang lalo na si Jamaica. Bigla siyang nanghinayang. Hindi ko manlang nasabi kay Jamaica na gusto ko siya. Umiling si Moymoy. Hindi na importante ang nararamdaman niya sa ngayon. Ngunit bigla na lamang napatigil sa pagtakbo si Moymoy noong may maramdaman siyang humampas sa kanyang likuran. Deretso siyang natumba sa madamong lupa at napadaing sa sobrang sakit. “Boss! Nakita namin ang isa!” sigaw ng isang lalake. Napakuyom ng palad si Moymoy. Pinilit niyang tumayo ngunit hinampas ulit siya sa likuran. Nasubsob na rin siya sa lupa dahil may umapak sa kanyang ulo. Ilang sandali pa ay narinig

