Ilang beses na napamura si Dante sa kanyang isipan. Lumapit na siya kila Moymoy at tinulungan na ito na tanggalin ang pagkakatali ni Jamaica. “I-Ikaw?” gulat na sabi ni Jamaica noong matitigan niya si Dante. Tiningnan lang ito ni Dante at pinatayo na. Noong makita niya ang bintana sa gilid nila ay nilapitan niya iyon at sumilip doon. Nasa unang palapag lang sila. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar dahil puro puno ang paligid. Nakaririnig din siya ng paghampas ng dagat sa ‘di kalayuan. Where are we? “I’ll check them.” Napatingin si Dante sa pinto noong marinig niyang ang boses ni Ishir na nasa tapat na ng pinto. “Let’s go!” utos niya kila Moymoy. Kinakabahan naman na sumunod ang dalawa. Halos mabingi na si Jamaica sa lakas nang patambol ng kanyang dibdib. Isa lang ang nasa kanyang

