Third Person’s Point of View Moymoy’s Residence Ikalawang araw na ng burol ni Nanay Meding pero wala pa ring balita sila Jamaica kung nasaan si Moymoy. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa pero habang tumatagal na hindi nila nakikita si Moymoy ay mas lalo lang na nadadagdagan ang takot niya para sa kaibigan. Noong araw na makita nila ang walang buhay na katawan ni Meding ay nalaman din nila kinahapunan na patay na sila Joel. Kaya mas lalong naging malaking tanong para sa kanila kung ano ang nangyayari kay Moymoy. Si Joel lang kasi ang alam nila na gagawa nang masama kay Moymoy. Tinatanong nila Jamaica si Gibo kung may alam ito dahil ito naman ang palaging kasama ng binata. Ngunit wala rin daw itong alam. Napabuntonghininga si Jamaica. Nakaupo siya sa tapat ng kabaong ni Meding at nakatitig

