“Who are you?! What are you doing at my sons table?! Nagnanakaw ka ‘no?!” sunod-sunod na tanong ni Selena sa akin. Napalunok ako at na estatwa habang nakatingin sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kapatid ko. It looks like she aged years. Ang laki rin ng ipinayat niya kaysa sa huli kong kita sa kanya noon. But she’s still beautiful. Kamukhang-kamukha niya ang tatay namin sabi ni nanay. I’m not really sure but based on her features, the Mexican blood in her is veins are strong. “S-Selena.” Nangunot ang makinis pa rin niyang noo. “How did you know my name?” Tumingin siya sa lamesa ni Domingo. “Ano’ng kinuha mo ro’n?! Yaya! Call a police!” Nanlaki ang mga mata ko. Itinaas ko ang mga kamay ko at daha-dahang lumapit sa kanya. “Wait! Hindi ako magnanakaw! I am a friend of Domingo!

