Sa inis ni Jamaica sa aming dalawa ay wala siyang sinabayan sa amin ni Ishir. Pero hindi ako lumayo sa kanya. Sumunod lang ako sa kanya noong sumakay siya sa jeep. Nakasimangot siya sa akin at hindi ako pinapansin kahit kanina ko pa tinatawag. Pero maige na ‘yon dahil hindi niya kasabay si Ishir. “Jamaica,” tawag ko sa kanya. Katabi ko siya at nasa unahan ko siya banda. Puno na ang jeep at nakatutok siya sa cellphone na hawak niya. “Jamaica, huy.” “Ano ba?” inis na sabi niya at nakasimangot na tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya lang ako. Napakamot ako sa ulo. “Totoo ‘yong sinabi ko kanina. You’re not safe with him.” Hindi umimik si Jamaica pero nakita kong napatigil siya sa pag-scroll sa kanyang cellphone. Napabuntonghininga ako. Mamaya ko na siya kakausapin

