Chapter 1:
Lica's POV
I'm Lica Killmer. Nag-aaral ako sa isang academy na ang tawag ay Royal Academy. Bawat students ay may tinatawag na Maid Guy. Maid Guy ay katulong na lalake, bodyguard o alipin. Sa Royal Academy mo makikita ang mga Maid Guy. Itim na maskara na sa bandang mata lang ang natatakpan sa mukha nila at itim na tuxedo ang suot nila. Bawal ipakita ang mukha nila maliban sa master nila. At utos lang ng master nila ang susundin nila.
Sa ngayon, kaharap ko ang isang maid guy na ang pangalan ay Jimin. Inuutusan ko siyang tanggalin ang maskara niya. Diko siya maid guy pero gusto kong tanggalan ang mga maskara ng mga maid guy dito. Trip ko lang kasi.
"Tanggalin mo nga ang maskara mo!" Utos ko sa maid guy na si jimin.
"Pasensya na, hindi pwede. Hindi kasama sa trabaho namin ang ilantad ang identity namin."
"Parehas kayo ng kaibigan mo. Ayaw magpakita ng mukha. Siguro panget ka? Magsama kayong mga panget at mahihirap!!"
"Yabang mo naman.ganyan ba talaga kayong mayayaman? Masasama ang ugali? Kahit ikaw pa ang nag iisang Babae sa mundo, di kita papatulan!" Sabi nya at tinalikuran ako.
"Talaga!" Inirapan ko sya.
Magkaibang dereksyon ang aming tinahak.
Isang araw, nakita ko si Jimin na kausap si Gf nito. Lumapit ako at nakinig.
"Bakit nakikipaghiwalay ka, Erika? May nagawa ba akong mali?" Sabi ni Jimin sa jowa nito.
"Wala. Gusto ko ng makipaghiwalay. Salamat sayo dahil nakapagtapos ako ng pag aaral. Ibabalik ko lahat ng ginastos mo sakin."
Hinawakan ni Jimin sa magkabilaang balikat si Erika.
"Please, h'wag mong gawin sakin to."
"Maid guy ka lang. Paano kita maipagmamalaki sa iba? Pasensya na dahil may boyfriend na ako. Mayaman sya at kaya niyang ibigay lahat ng gusto ko. Hindi kita mahal."
Umalis si Erika at iniwan si Jimin sa kinatatayuan nito.
Umagos ang mga luha sa mata ni Jimin. Tinanggal niya ang kanyang maskara para punasan ang kanyang basang mukha. Nakita ko ang mukha niya.
"Ang gwapo pala nya?" At lumakas ang pagtibok ng puso ko...
Muli nyang sinuot ang kanyang maskara at handa na syang bumalik sa loob ng academy. Nakasalubong ko siya sa daan. Nilagpasan nya lang ako.
"Hoy! Ikaw! Nakita ko ang nangyare sainyo ng jowa mo. Kuwawa ka naman dahil niloko ka lang nya." Sabi ko at tiningnan niya ako.
"Ganun ba? OK.." muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad.
"Mahirap ka kasi kaya walang babaeng magseseryoso sa katulad mo. Nakakaawa ang katulad mo" dugtong ko pa.
Napalingon siya sakin. Sama nya tumingin.
"Tinanggap ko na yan, kanina lang. Nakita mo naman ang naging reaksyon ko diba? Masaya ka na ba sa sagot ko?"
Natahimik lang ako nang makita kong seryoso na siya sa sinasabi niya.
Umalis si Jimin at hindi na niya ako nilingon pa.
..................
Kinabukasan,
Ngayon ang araw ng outing naming mga studyante. Pupunta kami sa hot spring. Isa- isang nagsipag-akyatan ang mga studyante sa bus.
Napatingin ako kay Jimin. Muli akong nakaramdam ng kakaiba sa loob ng dibdib ko.
"Kainis. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag nakikita ko siya? hay naku! Makaakyat na nga."
Umakyat ako sa bus at naupo malapit sa bintana. Hindi ako sanay sa mahabang byahe. in case na masuka ako, deretso bintana na. Solo lang ako sa upuan, Lumapit ang kambal na magkapatid na si Marr at Marry para makiupo.
"Tabi tayo, Lica" sabi ni Marry.
"Ok. fine.."
Nakita ni Marr si Jimin. Tinawag niya ito.
"Jimin, dito ka maupo samin."
"Pauupuin nyo pa sya? Wag na kaya. Ansikip na. Di ako sanay sa masikip." Inis na sabi ko.
Di maiwasang mapataas ang isang kilay ni Jimin dahil sa sinabi ko. Anong paki ko?!
"Ok. Tatayo na lang ako para wala ng mag iingay pa" sagot niya.
"Good. Para sa mayayaman lang ito noh. Bawal mahirap"
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko, bawal mahirap like you!"
"Ikaw... Nakakainis ka na!!" Pikon na siya.
Agad umawat ang kambal at pinatahimik kaming dalawa.
Natahimik ang buong bus. At sa kalagitnaan ng byahe, nakaramdam ako ng pagkahilo at tila masusuka ako. Sinubukan kong buksan ang bintana,Gosh!! sira ito at di mabukas. Minabuti kong tumayo at sumigaw.
"Ihinto nyo!! Bababa ako!!"
"Jimin, alalayan mo si Lica sa pagbaba. Masusuka yan" Utos ni Marry sa kanyang Maid guy.
"Ok, sige.."sagot naman nito.
Hinawakan niya ako sa braso ko.
"Yuck!!" React ko.
"Maka-yuck ka, wagas ah?"
Naunang naglakad papuntang pinto si Jimin ,kasunod niya ako. Hindi pa kami nakakababa ng nasuka na ako sa damit niya. Siya kasi ang nasa unahan ko habang pababa kami ng hagdan . At hindi maipinta ang mukha niya dahil sa nangyare. Good! Nice expression.
"Opss, I'm sorry.." Mataray na sabi ko.
Parehas kaming bumaba ng bus at pumasok sa C.R ng isang gas station.
"Badtrip, bakit sakin ka pa nasuka?" Galit na sabi niya habang nagpapalit ng damit sa banyo.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapalit siya ng damit. Hinaw-hawan niya ang nasukahang damit.
"Sorry na nga diba? Sana hindi ka humarang sa daan ko para nakababa ako agad!"
"Ako pa pala ang may kasalanan kung bakit ka nasuka sa damit ko?"
"Yup!"
"Tinulungan lang kita dahil utos sakin yun. Pero kung ako lang, hahayaan lang kitang masuka dyan"
Medyo nainis ako sa sinabi niya. Kaya, umiral ang kalokohan ko para sa kanya."
"So, masunurin ka pala?" Ngiting may binabalak.
"Sempre, trabaho ko yon e" sagot niya habang abala sa paghaw-haw ng damit nito.
Lumapit ako sa kanya.
Naramdaman na lang niya ang pagyakap ko sa kanya mula sa kanyang likuran. Hinawakan ko ang braso niya para iharap siya sakin. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Derekta kaming nagkatitigan sa mga mata ng bawat isa.
"Ano bang ginagawa mo? Sa tingin mo ba uubra sakin ang pagpapa-hot mo?" Tanong ni Jimin na medyo may angas.
"Bakit? Hindi pa ba umuubra ang pagpapa-hot ko sayo? Ano kaya ang pwede kong gawin habang magkalapit tayong dalawa?"
At mas lalo ko pang inalapit ang mukha ko sa kanya na tila ba hahalikan ko na siya. Pero,ako ang nabigla dahil sa ginawa niya.
Naramdaman kong humaplos sa bewang ko ang kamay niya. Lalo pa ng igit-git niya ako para isandal sa pader habang hawak ng isang kamay niya ang dalawa kong kamay.
"Ano-anong ginagawa mo? Bi-bitawan mo nga ako!" Nauutal na sigaw ko.
"Eto ang gusto mo,diba? Tinamaan na nga ako sa pagpapa-hot mo e. Nag-iinit na ako.."
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Ah? H-hindi! Joke lang naman yun e"
"Joke? Pero ako, hindi nanjojoke. Seryoso ako"
Sinimulan niyang ilapit ang mukha niya para halikan ako. Tinitigan niya muna ako sa mga mata ko bago matuon ang mga mata niya sa labi ko. Dahan-dahan na niyang inilalapit ang labi niya sa labi ko. Hindi ko magawang makawala dahil sa lakas niya. Nang makita kong malapit ng maglapat ang mga labib namin, napapikit ako at napasigaw.
"Wag!!!"
Napaupo ako sa sahig ng biglang niya akong bitawan. .
"Tumayo ka na dyan. Natakot ata kita. Dahil sa naging reaksyon mo, siguradong wala pang nakakahalik sayo. Tama ba?"
"Ano?"
Ngumiti siya ng bahagya. Feeling niya tama sya sa hinala niya. Pero tama naman talaga.
"Isipin mo na joke lang ang ginawa ko. Para patas tayo." Sabi niya at nauna ng lumabas ng C.R
Anlakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyare. Hindi ko inaasan ang gagawin niya.
Kainis.. May tinatagong kalokohan din pala ang Jimin na yon.
Lumabas ako ng C.R. Nakita kong naghihintay siya sa labas.
"Umakyat ka na sa loob ng bus" sabi niya.
"Alam ko yon!"
"???"
Nilapitan ko siya.
"Hindi pa tayo tapos ah!"
"Ganun? Sige lang. Ready ako sa gagawin mo."
At muli kaming umakyat sa loob ng bus.
.........
Marry's POV
"Tinggnan mo si Lica at si Jimin naten, bagay silang dalawa.diba Marr?" Tanong ko sa kambal ko.
"Ano? Bagay sila? Saan banda?"
"Basta, may chemistry silang dalawa."
"Wala silang chemistry. Katarayan pa nga lang ni Lica, inis na si Jimin natin e."
"So, hahayaan na lang ba natin maging heartbroken si Jimin naten?" Nalungkot ako..
"Syempre ayoko. Mas ayoko din sa ex-jowa ni Jimin 'no.."
"Gano'n naman pala e. Paglapitin na natin silang dalawa. Please... May plano na ako.."
"Sige na nga. Kailan ba ako tumanggi sayo?...payag na ako." pagsang-ayon ng kambal ko.
................
Lica's POV
Nakarating din kami sa lugar kung saan may hot spring.. Nagsipagbabaan ang mga estudyante at ibinigay sa amin ang aming mga susi sa mga kwarto namin. Kumain muna ang lahat bago nagsipag-akyatan sa kani-kanilang kwarto.
Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang kabuohan ng mansyon.
"Maganda din pala dito. May mansyon sa kabundukan at hot spring pa. Hindi na masama."
napalingon ako sa isang lugar kung saan naroon si Jimin.
Aba? Nandito pala siya ah. Sino kaya kausap niya sa phone? mas lumapit pa ako para makinig.
"Erika?" Sambit niya.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis nang marinig ko ang pangalan ng ex jowa niya.
"Gusto mong magkabalikan tayong dalawa? Pero--(naputol ang sasabihin nito nang muling nakinig sa sasabihin ni erika sa phone) sige, magkita na lang tayong dalawa.." Sabi nito at inOFF na ang phone.
Namumula na ako dahil sa inis. Kaya iniwas ko ang paningin ko at agad tumalikod.
Baliw talaga! Pumayag talaga siyang makipagkita? Para saan? Para makipag-ayos? Hay grabi!!!
"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong niya.
Nabigla ako sa biglaang pagsulpot niya sa tabi ko.
"Wala. Ano bang paki mo?!"
"Masama na bang magtanong?"
"Oo! Lalo na 'pag ikaw!"
"Bahala ka nga. Bumalik ka na sa kwarto mo. Malalim na ang gabi para mag gala ka pa." payo niya at tinalikuran na ako.
Hindi na ako nakatiis. Kailangan kong magsalita.
"Hwag kang maging tanga sa pag-ibig. Kung pakiramdam mong may Mali, h'wag mo na gawin. Mag-isip ka muna. Grabi, nainis ako sa mga narinig ko. Makaligo nga muna. Bye poor guy."
"Stalker ka ba? Hilig mo makinig e."
"Whatever.." Sabay irap ko at agad umalis.
Naligo ako mag-isa sa hot spring. Sa oras na nahihimbing sa pagtulog ang lahat. Hinubad ko ang lahat ng kasuotan ko at kumuha ng twalya para itapis sa katawan ko. Sinimulan ko na ang pagbababad sa hot spring.
..............
Marry's POV
papunta kami ng kambal ko sa hot spring para magbabad. Nakita ko sa loob si Lica. Hindi na kami pumasok. Dahil may bigla akong naisip. Nakita ko ang damit ni Lica sa gilid at kinuha ko ito para itago.
Ang laro naming magkambal ay magsisimula na.hihihi.
Isinara ko ang pinto. Narinig ni Lica ang pagkakasara ng pinto kaya minabuti niyang puntahan ito para buksan. Pero hindi niya ito magawang buksan dahil ni-lock ko ang pinto mula sa labas.
..............
Lica's POV
Hinanap ko ang damit ko para suotin muli pero hindi ko na ito makita.
"Nasaan ang damit ko? Dito ko lang nilagay 'yon ah? May multo ba dito?" Kinilabutan ako dahil sa sinabi ko. mas nilalamig pa ako dahil sa basang twalyang suot ko.
"Kung Alam ko lang na mawawala ang damit ko, sana nagdala pa ako ng isa pang twalya. Kainis naman!"
..................
Marr's POV
Naglalakad kami ngayon ng kambal ko palayo sa hot spring kung saan naiwan si Lica doon.
"Ok lang bang iwan natin ng ganon lang si Lica? Baka magkasakit 'yon dahil sa lamig." Pag-aalala ko.
"Hwag kang mag-alala, may sasaklolo sa kanya. Eto at tinatawagan ko na siya.." Sabi ni Marry at nagda-dial na sa cellphone. Makulit talaga itong kambal ko. Ako naman, laging sumasang-ayon..
"Sino?" Tanong ko.
"Si Jimin natin.. Diba nga, pinaglalapit natin sila?"
Sumagot na sa kabilang Linya.
"Hello, bakit napatawag kayo?" Tanong ni Jimin sa kabilang linya.
"Nandito kami sa hot spring. Pakidalhan mo naman kami ng twalya. Nakalimutan kasi naming magdala. Naubusan kami ng stock dito. Bilisan mo ah, nilalamig na kami.ang ginaw.." pag-arte ni marry.
"Okay. Pupunta na ako d'yan" sabi ni Jimin at naputol na ang linya.
"Ayan, okay na. Magtago na tayo.hahaha"
"Ok!"
Nagtago kami ng kambal
..................
Lica's POV
patuloy ako sa pagkalampag ng pinto pero walang sumasaklolo sakin. Muli akong lumapit sa hot spring at pinagmasdan sa linaw ng tubig ang kabuohan ko.
TOK!! TOK!! TOK!! mula sa pinto.
"Nandito na ang pinapadala niyo!"
Agad kong nakilala ang boses na iyon. Dahil sa taranta na baka makita niya ako sa ganitong ayos, nadulas at nahulog ako sa hot spring at muling nabasa..
...............
jimin's POV
Anong ingay 'yon? Galing ang ingay sa loob?.
agad akong pumasok at nakita kong may tao sa hot spring. Parang wala itong malay. Lumapit ako para tulungan ito. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. Hindi ako makapaniwalang si Lica ito. Agad ko siyang inihiga sa sahig. Bubuksan ko sana ang pinto para humingi ng tulong nang mapansin kong naka-locked ito mula sa labas.
"Kaasar. May multo ba dito? Lakas ng trip."
muling bumaling ang atensyon ko sa nakahigang si Lica..
Lumapit ako kay Lica. Nakatayo lang ako sa harapan niya at pinagmasdan ko ang kabuohan niya.
"Maganda ka pa naman kaso mataray ka.." Mahinang sabi ko sa kanya.
Nilapitan ko siya at inalis ang twalyang nakatapis sa katawan niya para palitan ng tuyong twalya.(yup! Nakita ko pero walang malisya-__-).
At muli ko siyang hiniga sa sahig.
Napatingin ako sa orasan. 2:00am palang. Wala pang gising para tulungan kaming makalabas.
Maya ay nagkamalay na si Lica. At nakita nya ako na nakatayo malapit sa pinto.
"Hey you!!! What are you doing here?!!" Pagsita nya sakin.
Tinignan ko lang siya.
"Aba, bakit ganyan ka makatingin?" Sabi niya at tiningnan din niya ang sarili niya.
"Ah!!! Bastos ka!! Wag kang tumingin!!"
"Bastos agad? Judge mental ka.." At inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya.
Napansin niya na tuyong twalya ang suot niya. Iginala niya ang paningin nya at nakita ang basang twalya sa tabi.
"Twalya ko yon? Ibig sabihin may nagpalit ng suot ko?"
Tumingin siya ng masama sakin. Gulo to..
"Ikaw!! Nakita mo lahat?!!"
"Ang alin??"
"Nagmamaang-maangan ka pa!! Hinubaran mo ko!! May ginawa ka noh?!"
kinuha niya ang basang twalya at binato sakin. Buti nakailag ako.
Di pa siya nakontento at nilapitan pa ako para hampasin.
"Ansama mo! Nakita mo lahat!! Anong ginawa mo?!!" unti-unting umagos ang luha niya.
Hinawakan ko siya sa magkabilaang kamay niya para pigilan sa ginagawa nitong paghampas.
"Tumigil ka na! Wala akong ginawa sayo! Pinalitan ko lang suot mo dahil basa ka!"
Namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Ibig sabihin, nakita mo pa din!"
Pinagpatuloy niya ang pagpalag sa pagkakahawak ko.
"Walang malisya yon! Nag-alala lang ako sayo!!" Sigaw ko.
Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Kahit ako nagulat sa sinabi ko sa kanya.
Binitawan ko sya..
"Hindi ako katulad ng iniisip mo..." Dagdag ko pa at iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya. Tinalikuran ko siya.
Matagal kaming natahimik. Di nagtagal, binasag niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"S-So-sorry..." Mahinang sambit niya.
Napalingon ako sa kanya.
Himala, marunong palang magsorry ang mga anak mayaman..
"Ok lang. Sorry din.." Sabi ko.
Ilang oras kaming nanatiling nakakulong sa loob.
Isang oras pa ang lumipas pero wala parin nagbubukas ng pinto. Napansin kong nilalamig na si Lica. Syempre, twalya lang ang suot nya. Minabuti kong lapitan siya.
"Giniginaw ka ba?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"H-hindi noh. Ang init-init nga e!"
Niyakap ko siya at ramdam ko ang pagdikit ng mga balat namin.
"Nilalamig ka pa ba?" Tanong ko ulit.
"H-hindi na.."
...................
Marry's POV
Sa labas ng pinto, nakikinig kami sa pinag-uusapan nila Jimin at Lica.
"Parang nagkakamabutihan na ata sila sa loob. Ano? Bubuksan na ba natin ang pinto?" Tanong ko kay Marr.
"Sige!."
Binuksan ko ang pinto. Huli sa akto ang yakapan nilang dalawa.
"Ay, sorry.. Nakakaistorbo ba kami?" ( with smiling face ang twin)
Kumawala sa pagkakayakap si Lica mula kay Jimin at tumayo ito.
"D'yan na kayo! Kainis!" Sabi niya at naunang Lumabas.
Tumayo na din si Jimin at nilapitan kami.
"Pakana nyo to noh?" Sabi niya.
"Wala kaming alam" sabay na sagot namin ng kambal ko.
"Talaga lang ah. Lakas talaga mantrip ng multo." At tinalikuran niya kami at bumalik nadin sa silid nito.
..........
Lica's POV
Kinaumagahan,
Maagang kumain ang mga estudyante. Pagkatapos kumain, kanya-kanya sila ng pamamasyal. Ganun din ako. Nakasalubong ko sa daan si Jimin. Naalala ko ulit ang gabing niyakap niya ako. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa malagpasan ko na siya. Biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang Cp niya.
"Erika?"
Napalingon ako ng marinig ko ang sinabi niya.
"Sige, pupuntahan na kita d'yan"
muli niyang inOFF ang CP niya.
Bago pa siya makaalis , nagsalita ako.
"Pupuntahan mo sya? Diba sinaktan ka na nya?" Tanong ko.
"Oo.mahal ko kasi si Erika.." Sagot niya.
"Bakit ba antanga mo?! Sinaktan ka na nga, babalikan mo pa rin? Gumising ka nga! Lolokohin ka lang niya ulit!" Hindi na ako nakapagpigil ng emosyon ko.
"Kilala ko si Erika kumpara sayo! At wala kang karapatan na pakilaman ako! Sino ka ba sa buhay ko?" Sabi niya sakin at iniwan ako sa kinatatayuan ko.
Ansakit naman nun. Sino daw ako sa buhay niya?
May kung anong mainit ang umagos sa mukha ko. Pinunasan ko ito ng kamay ko.
"Luha...?" sambit ko at mas lalo pang umagos ang mga luha mula sa mata ko.
"Ansakit.. Ganito pala kasakit ang masaktan.. Ayoko ng ganitong pakiramdam.."
...........
Jimin's POV
Lumabas ako ng mansyon para puntahan si Erika.
"Jimin, salamat at dumating ka.. Ibig bang sabihin nito, nagkabalikan na tayo?" Bungad na tanong sakin ni Erika.
Natahimik ako at tila napaisip. Naalala ko ang mga sinabi ni Lica.
"Jimin? May problema ba? Mahal mo pa ba ako?"
Natuon muli ang atensyon ko kay Erika at nautal ako sa pagsagot sa kanya.
"O-Oo naman. Mahal pa din kita.."
Agad niya akong niyakap.
Napatingin siya sa bintana.
"Ansama naman niya makatingin" sabi Erika.
Napatingin din ako sa dereksyon kung saan nakatingin si Erika. Nakita ko si Lica. Inirapan niya ako at umalis.
"wala lang yun . h'wag mo na lang pansinin. Halika, pumasok na tayo sa loob" pag-aya ko.
Pumasok kami sa loob at nakasalubong namin si Lian.
"Hi Jimin. Sya ba si Erika?" Tanong ni Lian.
"Oo. Sya si Erika.. Erika, sya si Lian. Kaibigan ko."
Lumapit si Erika kay Lian at nakipagkamay.
"Ikaw pala si Lian na nagkagusto sa kanyang Maid Guy. Kaso, hindi kayo nagkatuluyan dahil magkaiba kayo ng katayuan sa buhay. Tama ba?"
Natahimik si Lian dahil sa sinabi ni Erika. Palapit naman samin si Lica.
"Anong paki mo sa kanya? Wala kang alam!" Pagtataray nito.
"Sino ka naman?"
"I'm Lica. Maganda, matalino at higit sa lahat, MA-YA-MAN. Alam nyo, bagay talaga kayo. Isang manggagamit at isang tanga sa pag- ibig. Nakakairita kayo!"
Tinamaan ako sa sinabi nito ah. Bakit ba ganito siya magsalita?
"Ansama mo magsalita! Parang wala kang pinag-aralan!" Galit na sabi ni Erika.
"Pinag-aralan? Kaya nga ako nandito para mag-aral e. At pera ko ang ginamit ko para makapag-aral ako. Hindi pera ng iba!" Sabay tingin sakin at inirapan ulit ako.
Hinawakan ni Lica ang kamay ni Lian at sabay silang umalis. Naiwan kami ni Erika sa kinatatayuan namin.
"Naiinis ako sa babaeng yon!"
"Pagpasensyahan mo na lang.." Sabi ko at hindi maalis sa isipan ko si Lica.
"Ang mabuti pa, ilibot mo na lang ako dito para sumaya naman ako. Bago tayo dumiretso sa kwarto mo" nakangiting pakiusap ni Erika.