BAHAGYANG madilim ang maliit na kwarto na pinasok ni Khalid. Isang parte lang sa silid ang nakabukas ang ilaw at malayo iyon sa kinaroroonan ng hospital bed kung saan nakahiga si Angel. Ilang metro pa ang layo niya mula sa kinaroroonan nito ngunit bumigat na ang pakiramdam niya. Kasalukuyang sinusuri ang vitals ng dalaga ng isang babaeng nakasuot ng puting coat, ang doktora ni Angel. Pinag-aralan din niya ang heart rate, blood pressure at body temperature sa itim na monitor na nasa uluhan ng dalaga habang abala pa ang doktor. Bumilog ang kamay niya matapos basahin doon ang lagay nito. Kahit naman papaano ay alam niya kung paano iyon basahin. Ayaw niya itong lapitan na para bang isa itong crystal na anumang oras ay maaaring mabasag. Nanikip ang dibdib ni Khalid. Para bang hinihimay ng

